^

PSN Palaro

Kampeon ang Magnolia

- Carmela Ochoa -
Ang matibay na pana-nalig ang siyang tanging dahilan na maibibigay ni Magnolia coach Koy Banal para malampasan nila ang isang napakabi-gat na pagsubok at tanghaling hari ng 2006 PBL Heroes Cup.

"The only thing that gave us strength is our faith," ang bungad ni Banal matapos ang title clinching 75-60 panalo sa deciding Game-Five sa punum-punong San Andres Gym sa Malate, Manila kagabi laban sa nadiskaril na Rain or Shine.

Nagsanib ng puwersa sina Arwind Santos at Jason Misolas sa ikaapat na quarter kung saan isang malaking run ang pinakawalan ng Magnolia upang tuluyang sirain ang mga pangarap ng Rain or Shine na nakauna na sa 2-0 sa best -of-five semis series bago kinuha ng Wizards ang mga sumu-nod na tatlong laro at isubi ang titulo sa 3-2 panalo-talo.

Tuluyang naipagpag ng Magnolia ang mahigpit na hamong ibinigay ng Rain or Shine matapos ang 17-1 run upang basagin ang 56-pagta-tabla ng iskor at ibandera ang komportableng 73-57 kalamangan patungo sa huling 25.7 segundo ng labanan.

Bagamat naging pala-ban ang Rain or Shine sa unang tatlong quarter sa likod ng pagkakasuspindi ng Most Valuable Player ng kumperensiya na si Jojo Tangkay, naram-daman nila ang epekto ng pagkawala ng kanilang key player sa huling bahagi ng labanan.

Tinanghal na Most Valuable Player ng finals si Kelly Williams na tumapos ng 14-puntos sa larong ito sa likod ng 16-puntos ni Jeff Chan na nanguna sa Magnolia kasunod sina Arwind Santos at Jay Misolas na may tig-15-puntos.

ARWIND SANTOS

HEROES CUP

JASON MISOLAS

JAY MISOLAS

JEFF CHAN

JOJO TANGKAY

KELLY WILLIAMS

KOY BANAL

MOST VALUABLE PLAYER

SAN ANDRES GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with