Let Me Tell You a Story ni John Feinstein. Ito ay isang napakapersonal na pagsusulat ng pagtala ng buhay ng alam ng basketball na si Red Auerbach, ang may likha ng mayaman at mahabang kasaysayan ng Boston Celtics. Nagsimula ang kuwento nakasabay ng may akda si Auerbach sa dressing room ng isang programang pantelebisyon. Mula noon, naimbita siya sa isang lingguhang pagtitipon ng pananghalian sa China Doll restaurant sa Washington. Dito nagsama ang mga dating coach, player at maging dalawang miyembro ng Secret Service na naging kaibigan ni Auerbach.
Natagpuan ni Feinstein na, nasama ang pamilya ni Auerbach sa milyung-milyon mga European immigrants (karamihan mga inaaping Hudyo mula sa Russia) nang magsimula ang 1900s. Nakagugulat ang linaw ng pag-alala ni Auerbach sa kanyang buhay. Inilathala din doon ang mga mainit na opinion ng dating Celtics coach hinggil sa pagiging pasimuno ng paggamit ng mga African-American players at coach (dahil sa panahong iyon, sila ang sa tingin niya ang pinakamagaling para sa trabahong iyon) at ilan pa. Mabibigla rin tayong mapansin na ang Boston Celtics ang tanging NBA team na walang cheerleader, dala ng impluwensiya ni Red.
Nakikita rin natin ang lalim ng pagdadalamhati ng matandang Auerbach nang mamatay ang kanyang asawa at nakababatang kapatid, subalit bawal ang lumuha at pag-usapan iyon. Sa halip, makalumang pagpipigil ng damdamin ang mamamasdan.
"Shes Got Next, a Story of Getting In, Staying Open at Taking a Shot" ni Melissa King. Diary ng mga nakakaligtaan sa basketball sa Amerika, mga tumatandang kababaihang nakapagsarili. Nakakaaliw ang kanyang salaysay tungkol sa paghahanap ng laro sa mga recreation center gym sa US at ang madalas niya pakikipaglaro sa mga kalalakihan. Mariin niyang nadarama ang pangungutya, pambabraso at ang takot nilang masaktan, di lamang sa court kundi pati ng mga lalaking kanyang natitipuhan.
Ang nagustuhan ko sa librong ito ay kung paano niya isasalarawan ang kalokohan ng lahat ng nakakalaro niyat napapanood. Kakambal nito ang pagkamulat natin, na pati tayo, may ganyang klaseng ugali. Marami tayong nakaka-engkuwentrong tao sa libro na parang salamin ng sarili natin.
Sa mga aklat na ito, nakikita natin ang magkabilang panig ng buhay basketball: ang mga taong humubog sa kasaysayan ng laro, at mga di-kilalang naghahanap lamang ng mapaglalaruan.