Ibinulalas nina riders Victor Espiritu at Albert Primero sa isang radio interview ang kanilang mga hinagpis hinggil sa maling pangangalaga sa kanila ng PAGCOR-Casino Filipino.
"Since January pa ng last year wala na kaming nakukuhang monthly allowance mula sa kanila," wika ni Espiritu. "Talagang umuutang na lang kami para makapag-training ng sarili naming gastos."
Taliwas ang pahayag na ito ni Espiritu sa naunang ipinakita ng PAGCOR-Casino Filipino Trade Team, ayon kay Primero.
"Noong una talaga, walang problema sa set-up. Palaging may monthly allowance, pagkain at training. Pero last year, talagang nahirapan na kami. Sabi ng PAGCOR wala daw pumapasok na sponsor kaya wala silang maibigay sa aming financial support," ani Primero.
Sa katatapos na Tour De Langkawi sa Malaysia, tumapos lamang si Espiritu bilang 10th placer sa individual event.
"Umutang pa nga kami sa isang rider doon sa Malaysia para lang may pambili kami ng isang t-shirt pasalubong," sabi ni Espiritu.
Pinag-iispan na rin ng ilan pang miyembro ng Trade Team ang bumalik na sa pag-aaruga ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling), ayon kina Espiritu at Primero. (Russell Cadayona)