^

PSN Palaro

Laban ni Pacquiao sa Pinas, inaayos na

-
GENERAL SANTOS-- Ang negosasyon sa pagitan ng kampo ni Manny Pac-quiao at American boxing sports promotion na sina-mahan ng local promoters ay kasalukuyang isinasagawa pa sa laban ng kanilang tataguriang ‘tune up’ fight para sa Pinoy champion laban sa sinuman kina Mexican boxers Marco Antonio Barrera o Erik Morales dito sa bansa.

"It’s really a night to remember for all time...when seven of the top Filipino boxers in the world come together to fight seven top contenders from Mexico for national and worldwide pride," ani American lawyer Andrew Stein ng Stein Global Sports and entertainment, sa kanyang proposal na isinu-mite sa kampo ni Pacquiao sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na sina Fred at Yolly Tuadlez, isang Cebu-based promoter na nanini-rahan sa Amerika.

Sa dalawang pahinang proposal, siniguro ni Stein na magbubulsa ng mas mala-king take-home pay si Pacquiao sa nalalapit na laban na tinaguriang "Battle of Two Nations", na pansa-mantalang nakatakda sa huling linggo ng Hulyo o unang linggo ng Agosto ngayong taon.

"We believe with a world class opponent, Manny can expect a pay day in the $2,000,000 US dollar range unlike his two previous much-publicized fights which he took home a total of less than $500,000 US dollars," ani Stein sa kanyang proposal na iniabot kay Pacquiao ni Tuadlez noong Linggo.

Ang alok ang tumata-lakay din sa financial propo-sal na dedetermina kung sino ang makakalaban ni Pac-quiao, si Barrera o Morales na ang premyo ay katulad sa Las Vegas ngunit hindi na magbabayad ng US tax depende sa nakasaad sa managerial contracts o hindi kasing taas tulad ng luma-laban ka sa Amerika.

Para madetermina kung binding ang kanilang kon-trata sa Pilipinas, diniin ni Stein, na isang criminal lawyer, na lahat ng Filipino fighters ay kailangang rebi-sahin ang kanilang kontrata ng isang independent counsel.

"Money available to the fighters will all be driven by the main event and the pay per view numbers," naka-saad sa kontrata. Nangako din si Stein na gagawin ang lahat para ibaba ang gastusin at dalhin ang HBO at ang crew nito sa Pilipinas sa tinatayang $1,000,000 US dollars sa pamamagitan ng pagkuha sa Philippine Airlines at pangunahing hotel sa Maynila para mabigyan ng complimentary tickets at pagtira kapalit ng spon-sorship.

Ayon naman kay Rex ‘Wakee’ Salud, ng Cebu-based Rex Wakee Salud International, ang nalalapit na laban ay malamang sa pagitan nina Pacquiao at Morales na obligadong mag-karoon ng ikatlong engku-wentro sa Pinoy boxer base sa kanilang ‘existing agree-ment’ sa kanyang handler na si Bob Arum.

Kumpiyansa si Salud na magaganap ang laban dito sa Pilipinas dahil sa ilang alok ng local promoters at supporters na kasalukuyang pinag-aaralan na ng kampo ni Pacquiao. (John Paul T. Jubelag)

AMERIKA

ANDREW STEIN

BATTLE OF TWO NATIONS

BOB ARUM

CEBU

ERIK MORALES

JOHN PAUL T

PACQUIAO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with