^

PSN Palaro

Nakakakilig sina James at Kris

SPORTS - Dina Marie Villena -
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapanood ng PBA games ng ‘live’. Last Friday, sa Game-Two ng PBA Fiesta Conference Finals nagpunta ako sa Cuneta Astrodome para sumilip lang.

At siyempre nagkita-kita kami ng mga long time friends ko sa PBA like Jenny Guiao (wife of Red Bull coach Yeng Guiao), Ianne Limpot (wife of Purefoods player Jun Limpot), Bing Magsanoc (wife of Ronnie) at Cindy Patrimonio.

Bitbit nila ang kani-kanilang mga anak. Shock nga ako dahil malalaki na sila.

Mas na-shock ako ng makita ko na may bitbit na baby si Cindy. Tinanong ko at doon ko nalaman na anak nga niya. Ibig sabihin, may 4 mos. old baby pa si Alvin. Malaki na rin naman kasi yung bunso na sinundan nito. Pang-4th child ni Alvin at Cindy ito at buti naman at boy. Ang panga-nay ay si Angelo, 16, Cristine 13, at Anna Clarice 11.

At siyempre kakalat-kalat din si Tito Ed Ponceja at bitbit niya si Danica Sotto. Confirm na nga na sina Danica at ang alaga ni Tito Ed na si Mark Pingris na.
* * *
Kinikilig ako sa love story nina Kris Aquino at James Yap. Naaliw ako ng husto sa birthday presentation ni Kris sa The Buzz kung saan kinantahan ni James si Kris at nagpalitan ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa ang dalawa.

Sobrang in love talaga sa isa’t isa sina Kris at James.

Wish ni Kris na si James na nga talaga ang lalaki sa buhay niya. At sa tinatakbo ng kanilang relasyon, malamang na talagang forever na sa isa’t isa sina Kris at James. Wish ko rin naman.

Birthday ni Kris ngayon at bukas naman Feb. 15 si James ang may birthday. Kaya happy, happy birthday na lang sa inyong dalawa.
* * *
Speaking of birthdays, happy birthday sa aking mahal na anak na si Leslie Jylle sa Feb. 18. Also to Jun Trinidad (Feb. 15), Bonnie Lachica (Feb.18) Melanie Enriquez (Feb. 18), Ella Mae Madla (Feb. 18), Zaldy Realubit (Feb. 18) Rommel Condino (Feb. 20), JR Adriatico (Feb. 22) Sarah Mae De La Cruz (Feb. 23), Mark Maaño (Feb. 23) Ka Puring (Feb. 23).

vuukle comment

ALVIN

ANNA CLARICE

BING MAGSANOC

BONNIE LACHICA

CINDY

CINDY PATRIMONIO

CUNETA ASTRODOME

DANICA SOTTO

ELLA MAE MADLA

FEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with