SUMADSAD SI SALVADOR
February 13, 2006 | 12:00am
Maganda ang naging panimula ng career ni Jondan Salvador sa Philippine Basketball Association at itinuring nga ng lahat na siya ang "Steal of the Draft" na kinuha ng Purefoods Chunkee Corned Beef bilang No. 4 overall.
Kasi ngay kaagad na naging bahagi siya ng starting unit ni coach Paul Ryan Gregorio at nag-deliver siya. Hindi lang siya isang mahusay na scorer at rebounder kundi magaling din na defender at kadalasan ay itinatapat siya sa mga imports ng kabilang koponan.
Kaya nga kahit na si four-time Most Valuable Player Alvin Patri-monio, na ngayon ay team manager ng Purefoods, ay nagsabing pa-rang nakikita niya ang kanyang sarili kay Salvador. Kumbagay parang batang version ni Patrimonio si Salvador.
Dahil nga sa maganda niyang performance sa simula ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference, may nagsabing kung hindi lamang siya naglaro sa Davao Eagles sa defunct na Metropolitan Basketball Association ay pwede sana siyang ikunsidera sa labanan para sa Rookie of the Year award.
Kahit ang pamunuan mismo ng Purefoods ay nagsabing aapela sila sa PBA Board mismo upang makunsidera si Salvador para sa award na iyon. Kasi nga, hindi naman isang buong season na naglaro si Salvador sa MBA at nagawa lang niya iyon bunga ng kagipitan at hangaring matulungan ang kanyang pamilya.
Pero hindi naman ubrang baguhin ang rules, e. Maraming mga ex-MBA players na pwede rin sanang maging Rookie of the Year su-balit hindi naging qualified para sa award na iyon.
So, siguro ang maganda na lang noong umpisa ay pangarapin ni Salvador na mapabilang sa Mythical Five o sa Mythical team.
Pero teka, tila bumaba ang performance ni Salvador sa dulo ng conference. Parang hanggang sa classification round lang naging maganda ang kanyang performance at pagkatapos ay naging ordinaryo na ito sa semifinals.
Kung tutuusin, si Salvador ay isa sa mga missing links ngayon sa kampo ng Purefoods sa hangarin ng Giants na mapanalunan ang kampeonato ng torneo. Kung nag kanyang performance ngayon ay tulad ng kanyang performance sa umpisa ng torneo, baka mas ma-ganda ang itinatakbo ng Purefoods sa Finals kontra Red Bull Barako.
Mabuti na nga lang at nag-step up si Marc Pingris na ngayon ay nagtatala ng matitinding numero at dumedepensa pa kay James Penny.
O baka naman dahil sa pagsingasing ni Pingris ay nabawasan ang playing time ni Salvador at naapektuhan ang kanyang perfor-mance at mga numero.
Dapat ay hindi ganoon ang nangyari. Dapat ay nagtutulungan sila dahil ipinaglalaban naman nila ang kanilang koponan.
Hindi pa siguro huli para manumbalik ang galing ni Salvador!
BELATED birthday greetings kay Ambet Nabus na nagdiwang kahapon, Pebrero 12.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended