^

PSN Palaro

Kahit tatlo na lang, Pinoy di pa rin sumusuko

-
SEGAMAT, MALAYSIA -- Sa kabila ng tatlong siklista na lamang ang nalalabi, nagpakita pa rin ang PAGCOR-Casino Filipino pro cycling squad ng kani-lang sapat na lakas ng sila ay manatiling nakasabay sa 93-man sprint finish na binanderahan ng Stage 8 winner na si Sebastien Hinault ng Credit Agricole sa pagpapatuloy ng TM Le Tour de Langkawi noong Biyernes dito.

At gaya ng inaasahan, si Albert Primero na naman ang muling bumalikat sa kampanya ng sinalanta ng kamalasan na PAGCOR team nang tumapos ito sa maikli ngunit madulas at mapanganib na 72.7-km na karera mula sa Yong Peng dito sa pagposte ng tiyem-pong isang oras, 33 minuto at 33 segundo na pareho ring isinumite ng 91 iba pang riders.

Si Primero na humataw sa Cameron Highlands’ third stage na naglagay sa koponan bilang top perfor-mers dito, ay tumapos ng ikalima sa Asian stage, upang dalhin ang koponan sa fourth-place finish sa Asian stage, sa likod ng Malaysia, all-star team na Equipe Asia at Taiwan’s Giant-Asia.

Ang tagumpay na ito ni Primero, nakasalo sa main group sina Victor Espiritu at Bernard Luzon, ay sapat na para talunin ng PAGCOR team ang national team ng Japan at ang Indonesian pro team na Wismilak sa ikalawang sunod na araw.

Suportado ng PhilPost, Air21, Unilab, UCPB Gen., Vellum Cycles at Philippine Sports Commission, nagawa ring silatin ng PAGCOR riders ang Ceramica Panaria-Navigare at Wiesenholf Akud ng Germany. Tumalon si Primero mula sa pinakamataas na 22nd place sa overall Asian classification taglay ang oras na 27:21.43, 44 minutong layo sa leader na si Hossein Askari ng Giant-Asia.

Nananatili naman si Espiritu sa 12th place, taglay ang 21 minutong agwat sa lider.

Si Sherwin Carrera ang ikatlong siklista na nalagas sa koponan matapos nina Merculio Ramos at Sherwin Diamsay. Ang pagkakaroon ng flat tire sa 10-kilometer mark ang nagpuwersa sa bagitong miyembro ng PAGCOR na sumuko ng ang main pack ay pumedal ng pinakamabilis na 62 kph na mayroong maintaining average na 50 hanggang 55 kph.

"Imposible na makahabol, ‘di pa rin ako aabot sa curfew (cutoff) time kasi masyadong mabilis ‘yung grupo (It was impossible for me to catch since the pace was too fast and I wouldn’t be able to make it to the cutoff time just the same)," wika ni Carrera.

ALBERT PRIMERO

BERNARD LUZON

CAMERON HIGHLANDS

CASINO FILIPINO

CERAMICA PANARIA-NAVIGARE

CREDIT AGRICOLE

EQUIPE ASIA

GIANT-ASIA

HOSSEIN ASKARI

LE TOUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with