Hindi dahil sa hawak na 2-0 bentahe sa best-of-seven championship series kundi dahil sa kani-lang magandang sitwas-yon patungo sa pagharap sa Chunkee Giants sa Game-Three ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup Finals na magpapatuloy sa Cuneta Astrodome.
"Im not celebrating with our two-wins. Its not the 2-0, its just that we were forcing them to struggle," pahayag ni Guiao matapos ang kani-lang nakaraang 98-84 panalo laban sa Pure-foods kamakalawa.
Naging malaking ben-tahe para sa Red Bull ang kanilang 107-102 panalo sa overtime game sa Game-One na siyang dahilan para kontrolin ng Bulls ang sumunod na laro kung saan walang ginawa ang Giants kundi maghanap ng tamang pormula.
Isa sa malaking tinik sa lalamunan ng Purefoods ay si Lordy Tugade na nagpamalas ng impresi-bong performance sa kanilang nakaraang pa-nalo kung saan kinapos lamang ito ng isang pun-tos para abutin ang kanyang career-high na 30-puntos.
"Lordy has played a great game in one quarter in Game-One and in Game-Two he played really well in all the four quarters," papuri ni Guiao kay Tugade.
Sa likod ng pagkaka-baon sa serye, hindi natiti-bag ang pagiging optimis-tiko ni Purefoods coach Ryan Gregorio lalo pat mayroon silang iniisip na inspirasyon.
"Its not the end of the world for us," pahayag ni Gregorio. This has done before," wika ng Pure-foods mentor ukol sa kanilang naging tagum-pay noong 2002 Gover-nors Cup laban sa Alaska nang makabawi sila sa 0-2 deficit sa best-of-seven serye at angkinin ang titulo sa pamamagitan ng tagumpay sa Game-Seven.
Gayunpaman, sinabi ni Gregorio na dismayado siya sa kanilang laro sa Game-Two at umaasang magagawan na nila ito ng paraan ngayon.
"I did my adjustments and it did not work. I just hope that we can catch them in Game-Three. Theyre just playing comfortably right now," ani Gregorio na nagsabing kailangan nilang mapi-gilan si Tugade. (Carmela Ochoa)