Dahil sa madulas na daan bunga ng pagbuhos ng ulan, halos muntik-muntikan ng sumemplang ang mga siklista at naging mahirap para sa mga nakaligtas na 105-rider na kasali na makatapos ng karera kung saan ang mapanganib na galaw ni Primero sa third lap sa Cameron Highlands ang naghatid sa kanya bilang isa sa teams top performers dito ng makipaghatawan siya sa pinakamahabang lap sa tour na 188 kilometrong karera sa apat na oras, 21 minuto at 43 segundo.
"Hindi masyadong mainit dahil sa ulan," ani Primero na umusad sa 23rd places sa overall sa Asian classification taglay ang 25:48.10, 44 minutong layo sa likod ng lider na si Hossein Askari ng Giant-Asia.
Dumating naman ang teammates ni Primero na si Victor Espiritu na huli ng 16 segundo kasama si Bernard Luzon, bagamat muli siyang bumagsak sa Asian Overall, nanatiling si Espiritu ang best Filipino performer na nasa No. 12, 21 minutong agwat kay Askari ng Giant ng Taiwan.