Tuluyan ng humulag-pos sa Pinoy riders ang kanilang pag-asa na magandang pagtatapos para kay Espiritu ng isuko na niya ang kanyang No. 10 posisyon kay Falani Ahmad ng Malaysia matapos ang 178.7-km karera mula sa Shah Alam patungong Tampin dito.
Naging kasiya-siya ang karerang ito ng apat sa mga riders mula sa starting field ng 109 ang nabigong makatapos ng lap dahil sa sobrang init at pagkatuyo.
Ito’y kinabibilangan nina Merculio Ramos, ang dating nangunguna sa six-man PAGCOR team na sumuko may 100 kilometro na lamang ang nalalabi.
Maging si Espiritu, na gumawa ng malakas na paghataw mula sa Genting Highlands Stage 5 ng makatapak sa Top 10 ay nawala ang kanyang tempo at mawala sa elite circle.
Bagamat dumating siya na mayroong 28 segundong layo sa lap winner na si Laurent Mangel (4:16.53) ng Ag2r Prevoyance, ang kan-yang deficit ay nagpapa-tunay lamang na sapat na ito para kay Ahmad na ilaglag siya mula sa kapit niya sa 10th-place.