^

PSN Palaro

Pacquiao, habambuhay na kapartner ng San Miguel

-
Sa press conference ni Manny Pacquiao para sa kanyang lifetime partnership sa San Miguel Corporation, sinagot niya ang lahat ng tanong ukol sa kanyang bagong sponsorship, bagong pelikula at ukol sa kanyang posibleng rematch kay Erik Morales ngunit iniwasan niya ang mga tanong ukol sa kanyang personal na buhay.

Tahasang sinabi ni Pacquiao na takot lamang si Morales na harapin siya para sa Part III ng kanilang laban.

Niluluto ang deciding match sa pagitan nina Morales at Pacquiao na nakabawi sa kanyang pagkatalo nang una silang magharap noong 2004 sa pamamagitan ng 10th round knockout noong Enero sa Las Vegas.

Ngunit sinabi ni Morales na haharapin niya lamang uli si Pacquiao kung ito ay sa 132kgs., lightweight division mula sa kanilang dating pinaglabanan na 130kgs. Superflyweight division.

"Sinasabi lang niya yun para hindi siya mapahiya," wika ni Pacquiao na nakasuot ng uniporme ng San Miguel sa pagsisimula ng kanyang tungkuling katawanin ang lahat ng kanyang functions ang kumpanya na magbibigay naman sa kanya ng lahat ng suporta sa lahat ng bagay sa kanyang singing, boxing at maging sa business ventures nito.

Para naman sa pelikula ng kanyang buhay na plano ng Star Cinema, natutuwa naman si Pacquiao at maisasapelikula na rin ang kanyang talambuhay.

Napabalitang si Jericho Rosales ang gaganap na Pacquiao at si Bea Alonzo naman ang gaganap sa papel ng kanyang asawang si Jinkee.

Ngunit nang tanungin si Pacquiao ukol sa lumabas na balitang naanakan nito ang isang dating spotter  at waitress sa billiards hall ng Pan Pacific Hotel sa Malate, Manila, iniwasan niya ang tanong.

"No comment,’ ang sagot nito ukol sa lumabas na isyu sa pagsasampa ng kaso ni Joanna Rose Bacosa, isang 24-gulang mula sa Palawan province, para sa ‘child support.’

May nagtangka pa uling magtanong tungkol sa bagay na ito ngunit ang sagot ni Pacquiao, "mas maganda sigurong boxing na lang ang pag-usapan natin para masaya." (Carmela Ochoa)

vuukle comment

BEA ALONZO

CARMELA OCHOA

ERIK MORALES

JERICHO ROSALES

JOANNA ROSE BACOSA

KANYANG

LAS VEGAS

NGUNIT

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with