We are referring to the Red Bull-Ginebra game last Sunday.
Talagang napakaganda ng laro at hanggang sa huling sandali, the game will make you bite your nail.
Isang underrated na Celino Cruz lang ang nakapagpabagsak sa malakas na puwersa ng Ginebra .Hindi nila inakalang ang bulilit na tulad ni Celino Cruz ang magdadala ng biggest damage sa kanila.
Si Celino Cruz ay dating player ng FEU Tamaraws, naglaro sa PBL, at hindi masyadong napansin nung umakyat siya sa PBA.
Napulot lang siya ng Red Bull mula sa dispersal draft.
Little did they know na ang pagkakapulot nilang ito kay Celino ang siyang tutulong sa kanila para makarating sa finals.
Ngayong nakapuwing na si Celino Cruz sa mga higante, no one is going to take him for granted again.
Lalo na ang Purefoods.
Mas marami pang mas superstar sa kanya sa mga kasabayan niya sa Tamaraws nung panahon niya.
Ngayon, si Celino na lang ang nag-survive sa grupo na yun at siya pa ngayong namamayagpag sa PBA.
Yung mga kasabayan niya ay nawala na sa eksena-- yung ibay nag-quit na sa paglalaro, yung ibay na-realize na hindi talaga sila puwede sa PBA at yung isang sikat na sikat dati sa UAAP ay tuluyan nang nalaos dahil sa kanyang pagka-ingrato sa mga taong nakatulong sa kanya nung nasa college pa siya.
Ang buhay basketball talaga ..
May bago nang inspirasyon si Mark Pingris!