^

PSN Palaro

Pinoy riders minalas

-
MALAYSIA – Inabot ng kamalasan ang Pagcor-Casino Filipino pro cycling squad sanhi ng kanilang pagbagsak sa mahaba at backbreaking climb mula Lumut hanggang Cameron Highlands kung saan pipilay-pilay na umuwi ang pambatong si Albert Primero na bumagsak sa 23rd place sa Stage 3 ng Asian category ng TM Le Tour de Langkawi noong Linggo dito.

Makaraang pumangalawa ng dalawang beses sa sprint races na sanhi ng pag-akyat ni Primero sa third place sa Asian rider overall noong Sabado, hindi niya nasustinihan ang kanyang momentum nang masira ang kanyang spokes at dumating sa finish line na may 21-minuto at 51-segundong layo kay Hossein Askari ng Giant-Asia mula sa Taiwan, na siyang nanguna sa Asian division sa oras na 4:06.15.

Dahil sa kamalasang sinapit ni Primero bumagsak ito sa 23rd place overall.

Nasira naman ang chain ni Sherwin Carrera at tumawid ng finish line na may 24.08 minutong agwat sa stage winner habang nagka-cramps naman si Sherwin Diamsay at hindi siya nakaabot sa time limit.

Si Merculio Ramos na naka-fifth place sa Stage 1, ang may pinakamagandang pagtatapos, dahil sa kanyang 13th placing na may 18 minutong distansiya para sa 14th place overall sa 32 riders para sa kanyang aggregate time na 10:15.6, na may 20 minutong distansiya sa three-day leader na si Takashi Miyazawa ng Japan.

Nasa 16th place naman si Victor Espiritu matapos pumasok ng finish line bilang 17th rider habang nasa 20th place overall naman si Carrera na ika-19th place sa stage. Nasa 24th place naman si Bernard Luzon.

Ang pinakamasama nito, bumagsak ang Pagcor-Casino Filipino pro cycling squad na sinuportahan ang kampanya dito ng PhilPost, Air21, Unilab, UCPB Gen., Vellum Cycles at Philippine Sports Commission, sa kulelat na posisyon sa team overall, may 41 minutong agwat sa nangungunang Japan at 12 minutong layo sa Giant-Asia.

vuukle comment

ALBERT PRIMERO

BERNARD LUZON

CAMERON HIGHLANDS

GIANT-ASIA

HOSSEIN ASKARI

LE TOUR

PAGCOR-CASINO FILIPINO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PLACE

SHERWIN CARRERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with