^

PSN Palaro

Rain or Shine 2-0 na

-
Nakalapit ang Rain or Shine sa titulo ng PBL He-roes Cup nang pagbida-han ng tinanghal na Most Valuable Player na si Jojo Tangkay sa ikalawang sunod na pagkakataon ang Elasto Painters tungo sa 75-73 panalo laban sa Magnolia Ice Cream sa Game-Two ng kanilang titular showdown sa San Andres Gym sa Malate kagabi.

Umiskor si Tangkay ng fade-away shot sa huling 29-segundo ng labanan upang lumayo sa 72-68 bentahe na kanilang naging tuntungan para sa 2-0 kalamangan sa best-of-five titular series mata-pos isubi ang 70-68 over-time win sa Game-One.

Tulad ng nakaraang tagumpay, nag-contribute na naman ng malaki si Jun-jun Cabatu na naging bayani sa Game-One, sa kanyang tinapos na team-high na 21-puntos.

Nakuha na rin sa wakas ni Tangkay ang mailap sa kanyang MVP title matapos mabigo noong 2004 at 2005 na makuha ito.

"Masayang-masaya po ako at nakuha ko itong MVP award," wika ng 29-gulang na si Tangkay, dating naglaro sa Sta. Lucia Realty sa PBA, na umani ng  344.80 statis-tical points para sa nasabing titulo upang talunin sina Jay-son Castro ng Hapee-PCU, Kelly Williams at Arwind Santos ng Magnolia at Jay-R Reyes ng Rain or Shine, na kasama niya sa Mythical Team.

Ang iba pang pinara-ngalan ay sina Jay-R Reyes (Quantum Leap), at Yousif Aljamal (True Gentleman) ng Rain or Shine, Jeff Chan (Instant Impact) ng Magnolia, Rob Reyes (Defensive Stop-per) ng Harbour Centre, Mark Moreno (Fantastic Freshman) ng Hapee-PCU at Toti Almeda (Academic All-Star) ng Granny Goose.

 Kabilang sa Second Mythical team sina Rob Re-yes at Joseph Yeo ng Har-bour Centre, Gabby Espinas at Rob Sanz ng Hapee-PCU at Joe Devance ng Toyota Otis-Letran.(CVOchoa)

vuukle comment

ACADEMIC ALL-STAR

ARWIND SANTOS

DEFENSIVE STOP

ELASTO PAINTERS

FANTASTIC FRESHMAN

GABBY ESPINAS

GAME-ONE

GRANNY GOOSE

HAPEE

JAY-R REYES

TANGKAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with