PSC nakiramay sa mga biktima ng Wowowee tragedy

Nakidalamhati kahapon si Philip-pine Sports Commission (PSC) chair-man William "Butch" Ramirez ka-ugnay sa mga namatayan sa nangyaring ‘stampede’ sa ULTRA sa Pasig City kahapon.

Ipinarating ni Ramirez ang kanyang pakikiramay kay PSC Executive Secretary Atty. Gui-llermo Iroy.

 "Alam na ni chairman ‘yung nangyari at nalungkot siya," sabi ni Iroy. "Hindi kasi nakayanan ng crowd control nila ‘yung mga taong nagtungo sa ve-nue para manood ng Wowo-wee."

 Ayon sa ilang security personnel ng ULTRA, pina-ngangasiwaan ng PSC, nagkaroon ng tulakan nang magalit ang mga taong nakapila sa production staff ng nasabing noontime show.

"Aksidente talaga ‘yung nangyari at hanggang ca-pacity lang ang kaya ng ULTRA kaya nga sa labas nangyari ‘yung stampede," wika ni Iroy.(RCadayona)

Show comments