Rain or Shine LALAPIT SA TITULO

Kung kapana-panabik ang Game-One, asahang mas magiging exciting ang muling paghaharap ngayon ng Rain or Shine at Magnolia kung saan hangad ng Elasto Painters ang 2-0 ka-lamangan sa kanilang titular showdown para sa 2006 PBL Heroes Cup na mag-papatuloy sa San Andres Gym.

Naging dramatiko ang opening game ng best-of-five championship series kung saan kinailangan ang kabayanihan ng 6-foot-5 na si Jun Jun Cabatu na umiskor ng win-ning jumper upang ihatid ang Rain or Shine sa 70-68 overtime win. Ito ang ikawalong sunod na panalo ng Elasto Painters at ikalawa sa Magnolia mula sa eliminations kaya na-man mataas ang morale ng tropa ni coach Calor Garcia na sumabak sa alas-3:30 ng hapong giyera.

Ngunit bago ito ay gaganapin ang Achievement Awards sa alas-2:30 ng hapon kung saan ang dating MVP na si Peter June Simon ang aasiste kay Commissioner Chino Trinidad sa pag-gawad ng mga tropeo sa mga winners.

Kandidato pa-ra sa Most Valua-ble Player award si Jojo Tangkay ng Rain or Shine at Ja-son Castro ng Ha-pee-PCU.

Sa li-kod ng su-nud-sunod na panalo, nangangamba si Garcia sa posibleng gawin ng Wizards.

"Magnolia is also a vete-ran team so I expect ano-ther exciting game. I’m sure they’re going to comeback strong," ani Garcia na nais ihatid ang WelBest franchise sa back-to-back championships at ikapitong titulo sa 12th final appearance ng prangkisa nina team owners Raymund Yu at Terry Que.

Kumbinsido naman si Magnolia coach Koy Ba-nal na malakas talaga ang Rain or Shine ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa.

"Talagang firepower ang team na yan, ang da-ming magagaling. Hindi lang si Tangkay, Ortiguerra (Marvin) Reyes (Jay-R) at Tan (Eu-gene) ang problema naming, andyan din sina Sta. Maria (Erwin), Enrile (Ron-jay) at Cabatu," aniya.

Show comments