1-0 sa Rain or Shine
February 3, 2006 | 12:00am
Kumana si Jun Jun Cabatu ng buzzer-beating basket upang ihatid ang Rain or Shine sa kapana-panabik na 70-68 overtime win laban sa Magnolia Dairy Ice Cream sa Game-One ng kanilang title showdown sa 2006 PBL Heroes Cup sa dinumog na San Andres Gym sa Manila.
Pinatunayan ni Cabatu na handa na siya para sa mabibigat na hamon nang kanyang sapawan ang 1-2 punch ng Magnolia na sina Arwind Santos at Kelly Williams sa pamamagitan ng kanyang tamang play sa tamang oras.
Ang kanyang dalawang krusyal na plays ang nagligtas sa Elasto Painters sa bingit ng kabiguan upang kunin ang 1-0 kalamangan sa best-of-five championship series.
"He really wants the ball, so I designed a play for him. Mabuti naman hindi niya kami pinahiya," sabi ni coach Caloy Garcia ng Rain or Shine. "Grabe ang puso ng batang yan."
Bukod sa paghahatid ng winning basket, si Cabatu rin na umiskor ng 20 points, ang nagpuwersa ng overtime nang kumana ito ng tres patungo sa huling 56 segundo ng labanan.
Nakabawi ito sa kanyang dalawang minintis na free throws nang ma-foul ito ni Santos sa 3-point area.
Nauna rito, sumandal ang Granny Goose Tortillos sa mainit na shooting ni Jett Latonio sa second half nang igupo ng Snack-masters ang Port Masters, 87-81 para magtapos sa torneo bilang third place sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Pinangunahan ni Williams ang Magnolia sa kanyang 21-puntos ngunit nabokya ito sa huling apat na minuto ng overtime kung saan lumamang sila sa 66-60 sa kaagahan ng extra period na nauwi lamang sa wala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am