Nagsabi na ang China at Indonesia, ang pinagmulan ng maraming badminton talents sa mundo, sa organizing img ng kanilang planong sumali sa $120,000 event kasama ang Thailand, Singapore, Japan, India, Macau, Pakistan at Sri Lanka.
Inaasahang full force na darating dito ang mga Chinese shuttlers matapos ang kanilang dominasyon sa All England Open kung saan nakopo nila ang apat na titles kabilang ang mens at ladies singles crowns na pinagwagian nina Lin Dan at Xie Xing-fang ayon sa pagkakasunod.
Nunit magiging mahigpit ang kanilang haharaping hamon ngayon dahil inaasahang ipapadala rin ng Denmark, Germany at England ang kanilang mga best bets para sa five-day tournament, na katatampukan din ng mga top-caliber players mula sa Malaysia,Taipei, Vietnam, Iran, Hong Kong at Korea.
Ang RP Open na 4-star tournament ay tune-up para sa China Masters.