Labanan ng mga kampeon sa PBL Heroes Cup finals
February 1, 2006 | 12:00am
Kapwa nanalo na ng titulo ang Rain or Shine at Magnolia sa Philippine Basketball League (PBL) titles ngunit ang kanilang sagupaan sa best-of-five finals, championship experience ang malaking factor.
Nakakalamang dito ang Elasto Painters.
"Sila ang mas advantage because of their championship experience. I just hope we can keep up with them," ani Wizards coach Koy Banal sa PSA Forum kahapon sa main function room ng Pantalan Restaurant sa Manila.
Itinanggi naman ito ni Elasto Painters coach Caloy Garcia na dumalo rin sa public sports program na sponsored ng PAGCOR at Manila Mayor Lito Atienza.
"I dont see any advantage. Both teams are capable of winning the championship. Magandang match up ito," wika ng batang mentor, na sinamahan nina Eugene Tan, JR Reyes, habang sa Magnolia, dumating din sina Gerard Jones at Joel Co.
Sa kanilang tanging finals meeting, nanalo ang Wizards sa Paint Masters (dating Welcoat), 3-1, para sa unang conference ni Garcia bilang fulltime coach.
Nahirapan ang Magnolia sa kanilang mga sumunod na kampanya ngunit napanatili naman ng Welbest franchise ang winning form, para umusad sa tatlong sunod na finals bago nakopo ang titulo sa nakaraang kumperensiya sa pamamagitan ng 3-1 win sa Montaña para sa unang korona ni Garcia.
Ang Elasto Painters ay nasa kanilang ika-12th finals appearance mula noong 1996 at mayroon nang anim na PBL championships.
Nagtapos bilang top two teams ang Rain or Shine at Magnolia sa eliminations at nakakuha sila ng outright semifinals berth at one-game advantage sa best-of-five series.
Sa Final Four, parehong na-sweep ng Elasto Painters at ng Wizards sa 3-0 ang kani-kanilang semifinal series laban sa Harbour Centre at Granny Goose Tortillos ayon sa pagkakasunod bagamat ang Magnolia ay kinailangang dumaan sa dalawang overtime bago nila tuluyang naidispatsa ang magiting na lumabang Snackmasters.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended