Giants, Barakos asinta ang Finals
February 1, 2006 | 12:00am
Iisa lang ang gustong mangyari ngayon ng Purefoods Chunkee at ng Red Bull Barako.
Nais nilang tapusin na ngayon ang kanilang hiwalay na semifinal series sa kasalukuyang San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference at makapasok sa finals na reresolbahin sa best-of-seven championship series.
Kapwa taglay ng Barakos at Giants ang 3-1 bentahe sa kani-kanilang best-of-seven semis series at isang panalo na lamang ang kanilang kailangan upang makausad sa finals.
Alas-4:40 ng hapon ang pakikipagsagupa ng Purefoods sa Air21 habang tampok na laro naman ang pakikipaglaban ng Red Bull sa crowd favorite na Barangay Ginebra sa alas-7:35 ng gabi sa Game-five ng semis.
Matapos mabigo sa overtime na opening game ay naipanalo ng Red Bull ang tatlong sunod na laro ng serye, ang huli ay 88-85 sa Game-Four upang makalapit sa finals.
Pinarisan naman ito ng Purefoods na nakabawi naman sa Air21 sa pagkatalo sa Game-Three nang matapos ang 100-90 pananalasa.
Dahil baon na ang Express at Gin Kings, obligado silang ipanalo ang huling tatlong laro ng serye para makapasok sa finals. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended