^

PSN Palaro

Maraming nakisakay sa tagumpay ni Pacquiao

SPORTS - Dina Marie Villena -
Ay naku hindi ko malaman kung matutuwa ako o maiinis sa mga gumagamit kay Manny Pacquiao.

Lahat tayo ay iniidolo si Manny dahil talaga namang dapat siyang ikarangal.

Pero yung iba, sobra-sobra na at halatang sinasakyan ang popularidad ni Manny.

Kung sabagay, talagang ganyan lang ang buhay.

Kung sino ang sikat yun ang kailangang kapitan.

Sabi ni Cong. Chavit Singson, inggit lang daw yung iba dahil sa pag-akyat nito sa ring ng magwagi si Manny Pacquiao kay Erik Morales sa kanilang rematch noong January 21.

At sinabing hindi niya kasalanan at hindi siya nang-aagaw ng eksena dahil tinawag siya ni Manny na umakyat sa ring ng manalo ito. O totoo, di ka nakikisakay?

Eh bakit daw noong dumating sa bansa si Manny na magkasabay kayo sa eroplano eh hindi ka rin umalis sa tabi nito?

Nagtatanong lang po?
* * *
Ang Magnolia at Rain or Shine ang maglalaban sa finals ng PBL Heroes Cup.

Kung sakali, isang magandang senyales ito para sa Elasto Paints dahil aakyat na nga sila sa PBA at malamang sa susunod na season ng PBA ay kasama na sila.

Ganyan din ang nangyari sa Tanduay bago umakyat at maging ang Red Bull.

Pero sana, tumagal sila sa PBA. At sana maging maganda rin ang kanilang pagpasok.

Anyway, may the good team wins sa inyong championship game ng Wizards.
* * *
Walang paglagyan ng katuwaan ang UPHDS-Calamba dahil sa pagkopo nila sa titulo ng SLCUAA men’s basketball.

Tuwang-tuwa ang lahat at siyempre lalo na si School director Rey Dalde at siyempre ang buong management ng Altas-Calamba.

Ang Altas-Calamba ay binubuo nina Daniel Soriano, freshman Computer Science student, na tinanghal na Most Valuable Player (MVP), Dax Clauren at Jonathan Diaño; team captain Marco Villanueva, JonJon Narvaez, James Rivas, Leomel Flavier, Aaron Tuiza, Aaron Elpedes, Joshua Carolino, Mac Cueto, Janus Zeus Jesus Gella, Mark Joseph Fajardo, Ericris Velendez at Renard Angeles. Congrats Altas-Calamba.
* * *
PERSONAL: Happy Birthday kay Jojo Briones-Cruz (Feb. 4) Belinda Junsay (Feb. 5) , Tita Henry Balbuena (Feb. 6) Shane Angel Enriquez (Feb. 8) Mommy Sol Quiazon (Feb. 8 ) Marife Baldovino (Feb. 8), Jaime Laude, (Feb. 8), Knorr Baldovino (Feb. 13) Kris Aquino (Feb. 14)

AARON ELPEDES

AARON TUIZA

ANG ALTAS-CALAMBA

ANG MAGNOLIA

BELINDA JUNSAY

CHAVIT SINGSON

COMPUTER SCIENCE

FEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with