Nahanap na ni Fonacier ang kanyang lugar sa Red Bull
January 31, 2006 | 12:00am
Nahanap na ng rookie na si Larry Fonacier kung saan siya dapat lumagay sa sistema ng Red Bull at ipinapakita na niya ito.
"Dati, di niya alam kung saan siya pupwesto, titira," kuwento ni Red Bull coach Yeng Guiao. "Siguro nahihiya pa, iniintindi pa ang sistema, ang mga teammates niya. Now, he not can only compliment his teammates, he has also found his shots."
Nakita ito sa huling dalawang laro ng Barakos sa PBA Fiesta Conference semifinals kung saan nagpasiklab ang dating Ateneo standout.
"I am pleasantly surprised," ani Guiao. "I knew he was a good player and that hell eventually make it good in the PBA. But to make it this good so soon, nakaka-sorpresa talaga. For him to adapt so soon, testimony sa intelligence and skills niya."
Ang pruweba sa bagong status ni Fonacier bilang Red Bull stalwart ay ang kanyang dalawang bagong career-high para ihatid ang Red Bull sa 3-1 kalamangan sa best-of-seven semifinals series laban sa Barangay Ginebra.
Ang 14th pick overall ng Red Bull sa 2005 rookie draft ay nagtala ng 22 points sa kanilang 93-85 win sa Game-Three noong Biyernes na kanyang sinundan ng 25 points sa 88-85 decision noong Sabado upang pigilan ang pag-atake ng Ginebra para baligtarin ang resulta ng laro.
Bukod sa paggawa ng puntos, tumutulong din siya para pigilan sina Mark Caguioa at Rodney Santos kaya naman siya ang naging unanimous choice ng PBA Press Corps bilang San Mig Coffee-Player of the Week para sa linggong Enero 23-29.
Akala ng marami ay tapos na ang career ni Fonacier nang magtamo ito ng ACL injury noong 2004 sa UAAP kung saan hindi na niya natapos ang season ngunit gumaling naman ang kanyang injury para sa PBA draft.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended