^

PSN Palaro

3-1 sa Red Bull

- Carmela Ochoa -
Tinapatan ni Enrico Villanueva ang mainit na fourth quarter ni Aris Dimaunahan upang ihatid ang Red Bll sa 88-85 panalo kontra sa crowd-favorite Barangay Gineb-ra sa Game-Four ng kanilang semifinal series sa pagpapatuloy ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference na nagpa-tuloy sa Araneta Coli-seum.

Kinana ni Villanueva ang walong puntos sa pampanalong 11-0 atake ng Barakos na nagsu-long sa Red Bull sa 3-1 kalamangan sa best-of-seven semis series.

Si Villanueva ay tu-mapos ng 21-puntos, 10 nito ay sa ikaapat na quarter sa likod ni Larry Fonacier na muling nanguna sa Barakos sa pagtatala ng bagong career-high na 25-puntos.

Mainit na binuksan ni Dimaunahan ang ikaapat na quarter nang kanain nito ang 14 sunod na puntos sa kanyang three-of-three triple shooting upang ihatid sa 17-puntos na kalamangan, 77-60 ngunit unti-unting naglaho ang bentaheng ito nang magsimulang kumilos sina Villanueva, Fonacier at import James Penny na tumapos ng 14-puntos.

Sinamantala ng Ba-rakos ang pagkawala ni Ginebra import Chris Por-ter na na-fouled-out na sa kaagahan pa lamang ng 3:15 minuto ng final canto.

Umiskor ng apat na sunod na puntos si Vil-lanueva para agawin ng Red Bull ang kalamangan sa 86-85, 6.7 segundong natira.

Nagmintis si Mark Caguioa sa kan-yang jumper bago nakaiskor si Villa-nueva ng dalawang free-throws para sa final score, may 2.2 seconds pang natira para sa huling posesyon ng Gin Kings na nasayang dahil sa in-bound error.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasaluku-yang naglalaban ang Purefoods at Air21 na may 2-1 bentahe sa kani-lang sariling best-of-seven semis series.

ARANETA COLI

ARIS DIMAUNAHAN

BARAKOS

BARANGAY GINEB

CHRIS POR

ENRICO VILLANUEVA

FIESTA CONFERENCE

GIN KINGS

JAMES PENNY

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with