Darating na si Pacquiao

"I’m the storm across the Pacific."

Yan ang sinabi ni Manny Pacquiao.

Naks naman, grabe na talagang mag-ingles si Manny.

Grabe na talaga, you know....
* * *
Darating today si Manny Pacquiao.

Natural, hero’s welcome.

Pero pakibilang n’yo po ang mga politikong sasakay sa popularidad ngayon ni Manny. Bilangin n’yo po...

Sabi ng isang kaibigan ko, ang mga politikong yan na magpapaka-th na pumiktyur sa hero’s welcome na ‘yan ay hindi na mananalo sa susunod na eleksyon.
* * *
Sabi ng isang magulang na kakilala ko, ayaw na yata niyang pag-aralin ang anak niya.

Sa mahal daw ng tuition fees ngayon sa eskuwela, mas mabuti pang patigilin na lang niya ang anak niya sa eskuwela.

Pipilitin na lang daw niyang maging boksingero ang anak niya.

Kahit daw maging summa cum laude pa ang anak niya, hindi ito kikita ng kinikita ngayon ni Manny Pacquiao.

Ha ha ha.... oo  nga naman....
* * *
Sabi ni Jun Tamayo na siyang arranger ng mga kanta ni Manny Pacquiao sa CD niya, magaling daw mag-gitara si Manny.

At very cooperative si Manny sa recording. Wala raw itong arte at talagang pursigidong tapusin ang CD. Kaya daw ang bilis nilang nata-pos yung CD.

"Maganda ang boses niya at magaling siyang mag-gitara.

Siya mismo ang naggitara sa mga kanta niya sa CD," sabi ni Jun.

Sina Lito Camo at Jun Tamayo ang nag-collaborate sa paggawa ng CD ni Manny.

Inaasahang magiging plati-num ang CD na ito dahil sa kantang ‘Para sa ‘Yo’.
* * *
Huwag kayong maingay... pero malapit na malapit nang mapalitan si coach ng isang PBA team. Aali-aligid na ngayon ang isang bagong coach sa koponang malapit na niyang hawakan. In fact, si misis ni bagong coach eh madalas nang napagkikita sa practice ng team na hahawakan ng kanyang mister. Mukhang wala nang balak si coach na bumalik sa dating PBA team na hina-hawakan niya.
* * *
Sobrang disappointed daw si team owner sa kanyang PBA team na natanggal sa ongoing PBA conference,.

Hindi na raw niya alam kung ano ang gagawin niya sa team.

Maganda naman daw ang suweldo ng mga players.

Ano man ang kailangan nila, hindi sila pinababayaan.

Mukhang magpapalit na yata siya ng head coach o magsisibak na lang ng maraming players na napakataas ng suweldo pero walang puso kung maglaro.

Buti pa nga, Mr. Team Owner!

Show comments