Pacquiao nagpamisa; Morales nag-Casino

LAS VEGAS – May bakat ng suntok sa mukha at namamagang kaliwang kamay si Manny Pacquiao. Baling buto at nawasak na ego naman kay Erik Morales.

Ilan lamang ito sa mga ebidensiya ng laban sa Thomas and Mack Center sa pagitan ng dalawang pinakamahusay na boksi-ngero sa mundo ngayon.

At big winner si Pac-quiao nang kanyang patumbahin si Morales sa ika-10th round na nagbigay din sa kanyang ng pagkilala bilang kauna-unahang fighter na pumigil sa mahusay na Mexican.

Naging kauna-una-hang boksingero din si Pacquiao na nagpatumba ng dalawang magigiting na Mexican boxers ngayon na pumigil din kay Marco Antonio Barrera noong Nobyembre 2003.

Noong Linggo ng tanghali, dumalo sa misa si Pacquiao sa loob ng kanyang eleganteng two-bedroom suite sa Wynn Las Vegas at kasama dito ay kulang-kulang sa isang daang kaibigan at fans na dumating sa loob ng suite na nagsisiksikan para sa misa kung saan si Fr. Marlon Reof ng Palawan, na nakabase sa New York,ang nag-officiate ng misa.

Ilang high-ranking government officials din ang nasa misa habang naka-upo saan isang silya si Pacquiao na naka-shorts, t-shirts at tsinelas lamang.

Pagkatapos ng misa, hiniling na magsalita si Pacquiao na nagpasa-lamat sa Panginoon sa pagbibigay sa kanya ng lakas para makapaghi-ganti sa tinamong kabi-guan kay Morales noong 2005.

Umaasa din si Pac-quiao na sa kanyang tagumpay, umaasa ito ng pagkakaisa sa bansa kung saan ang politiko at magulo pati na rin sa sports ng kanyang kinasa-sadlakan.

"I will climb the ring and fight if only it can help forge unity among Filipinos," ani Pacquiao. "That’s why I want to thank the Lord for giving me the strength to fight."

Habang nakikinig ng misa si Pacquiao, nasa Casino naman sa ibaba ng Wynn Las Vegas si Morales.

Nakita si Morales na naglalaro ng roulette kasa-ma ang kanyang magan-dang asawa na buntis na sa kanilang unang anak.

Samantala, susunod naman na target ni Pacquiao si Marco Antonio Barrera, ang reigning WBC super featherweight champion. Ito ay ayon kay American trainer Freddie Roach kung saan iminolde si Pacquiao bilang eksplo-sibong boksingero sa mundo.

Ayon kay Roach, mag-hahanap miuna sila ng magandang rtuneup fight para kay Pacquiao bago ang rematch kay Barrera, na pinatumba din ni Pacquiao noong Nobyem-bre 2003 sa San Antonio, Texas at sinabing mara-ming naging balakid sa kanya na ikinawala ng kanyang focus sa laban.

Samantala, magpapa-kalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng tinatayang 5,000 pulis upang masi-guro ang kaayusan sa mga rutang daraanan ng Pinoy boxing hero sa kanyang pagbabalik sa bansa sa Enero 27.

"We are bracing for the heroes welcome for Pacquiao and were expecting of a large crowd to troop wherever he comes. tiyak na iikort yan sa buong Metro Manila," wika ni Vidal Querol. (Abac Cordero, at may ulat ni Edwin Balasa)

Show comments