^

PSN Palaro

CHEERS FOR BO!

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Marami na ring napabilib si coach Dolreich "Bo" Perasol at ang Air21 Express na ngayon ay kasagupa ng Purefoods Chunkee Corned Beef sa best-of-seven semifinal round ng SanMig Coffee PBA Fiesta Conference.

Opo! Nasa semifinal round ang Air21 Express!

Ito ang kauna-unahang pag-kakataong nakarating sa semis ng isang regular PBA conference ang prangkisa ni Bert Lina buhat nang maging miyembro ng PBA noong 2002.

Marami nang mas beterano at itinuturing na mas mahusay na coaches na humawak sa Ex-press. Ang una nilang naging coach ay si Derick Pumaren na siyang coach ng Tanduay Rhum, ang prangkisang binili ni Lina. Pagkatapos ni Pumaren ay na-ging coach nila sina Bonnie Gar-cia, Joe Lipa at Gerardo "Bong" Ramos.

Subalit sa ilalim ng mga ito’y hindi nga nakausad ang Air21!

Sa tutoo lang, bago nagsimula ang torneo, marami ang nag-aka-lang wala na namang pupuntahan ang Air21. Kasi nga’y ipinamigay pa nito ang dalawang first round picks na sina Anthony Washing-ton at Mark Cardona sa Talk N Text kapalit nina Yancy de Ocampo at Patrick Fran.

Nagkaroon din ng overhaul sa coaching staff kung saan pinalitan ni Perasol si Ramos at itinalagang mga assistants niya sina Ricky Dandan, Allan Gregorio at Johnny Tam.

Subalit sa dakong huli’y hiniya ni Perasol ang mga kritiko niya. Sa pagtatapos ng classification round ay nagtala ng 9-7 record ang Air21 at nakatabla ang Red Bull, Talk N Text at Barangay Ginebra para sa ikalawang puwesto sa likod ng nangunang Purefoods (10-7). Pe-ro matapos na gamitin ang quo-tient ay pumanglima lang ang Ex-press at tinalo sila ng Talk N Text sa playoff para sa automatic quarter-finals berth.

Kaya naman dumaan muna sila sa napakahabang ruta bago narating ang semifinal round.

Sa wild card phase ay naka-harap nila ang nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer at nangailangan sila ng tatlong laro upang mapatalsik ang tropa ni coach Joseph Uichico. Doon pa lang ay bumilib na ang karamihan kay Perasol.

Biruin mong star-studded ang San Miguel, multi-titled si Uichico pero nagkaganito man ay nanaig pa rin ang batambatang coach na produkto ng University of the Philippines.

Halos walang pahinga at ku-lang sa paghahanda ang Air21 nang makalaban nila sa Game One ang Talk N Text. Natalo sila sa Game-One subalit dalawang puntos lang ang inilamang sa kanila ng kalaban. Nakatabla sila nang magwagi sila sa Game Two. Nanalo din sila sa Game-Three kung saan hiniya nila ang bagong import ng Phone Pals na si Darvin Ham na isang eight-year NBA veteran.

Bagamat napuwersa ng Talk N Text ang Air21 sa sudden-death nang magwagi ang Phone Pals sa Game Four, hindi nawalan ng loob ang tropa ni Perasol. Sa Game Five ay hindi nila pinalayo ang Talk N Text at sa halip ay na-kalamang sila ng 11 puntos sa hu-ling 3:20 ng laban. Pero nakatabla ang Talk N Text at nagkaroon ng overtime. Sa extra period ay nali-mita nila sa apat na puntos ang kalaban upang tuluyang mama-yani.

Kahit paano tingnan, masasa-bing nag-mature na ang Air21. Katunayan, hindi nakasisiguro ang Purefoods sa kanila. Hindi nga nanalo ang Purefoods sa Air21 sa classification round.

Malaking achievement na ito para kay Perasol at sa Express.

Pero hindi nangangahulugang makukuntento na sila. Nandito na sila, e. Go all the way na!

AIR21

ALLAN GREGORIO

ANTHONY WASHING

BARANGAY GINEBRA

BERT LINA

PERASOL

PHONE PALS

PUREFOODS

SILA

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with