^

PSN Palaro

Coaching Clinic ni Nat Canson, malaking tagumpay!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Nais lang naming batiin si Coach Nat Canson sa sobrang tagumpay ng kanyang Canson Basketball Coaching Clinic na ginanap nung Linggo sa Bayview Plaza Hotel sa Roxas Blvd.

Isang buong araw yan ng coaching seminar at talagang tuwang-tuwa ang mga participant dahil napakarami nilang natutunan kay Coach Nat.

Palibhasa ay napaka-beterano na sa pagku-coach nitong si Nat kaya naman he was able to speak authoritatively on different topics.

Dumating din bilang special guest si Coach Yeng Guiao ng Red Bull at maging ang topic na na-discuss niya was very interesting.

Mula sa isang maliit na room for 30 participants sa Bayview, inilipat sila sa Luneta Room ng hotel para lang ma-accomodate ang marami pang participants na nag-walk in for the clinic.

Kaya  naman tuwang-tuwa si Coach Nat, ang maybahay niyang si Tess na nag-organize nung clinic at ang anak nilang si Niel Canson na tumulong sa kanila.

Sa tagumpay nito, inaasahang gagawa pa ulit si Nat ng basketball clinic within the year. Maraming mga prospective coaches ang natuto ng husto sa clinic na ito.

Congratulations, Coach Nat!
* * *
Nakausap namin si Lito Camo na siyang producer ng album ni Manny Pacquiao.

Yung kantang ‘Para sa ‘Yo’ lagi na nating naririnig sa mga plugs ng Channel 2 patungkol sa nalalapit na laban ni Manny.

Maging sa Yes FM ay isa na ito sa most-requested songs.

Sabi ni Lito, ang lakas daw ng orders para sa album, lalo na sa abroad.

Hindi pa man ito na-release sa mga record bars, gold record na agad ito dahil sa dami ng orders.

Lalo sa probinsiya lalong malakas ang CD na yan, huwag lang ma-pirata.

Bukas makalawa tiyak binebenta na ang pirated CD nyan.

Lalo pang lalakas ang benta nyan tiyak kung mananalo si Manny sa Linggo laban kay Erik Morales.
* * *
Grabe na ang pustahan sa laban ni Manny at ni Erik.

Sa Las Vegas, ma-imagine mo ang tindi ng pustahan dun.

Dito sa atin, nahihirapan maghanap ng kapustahan yung mga kampi kay Manny dahil siyempre, halos lahat naman eh para kay Manny ang pusta.

Masuwerte ka na kung may kaibigan kang Mexicano at yan ang puwede mong makapustahan.

Sa sobrang hilig ng mga Pinoy sa pustahan, kahit na walang makapustahan yan sa kung sino ang mananalo, gagawa at gagawa ng paraan yan para may pagpustahan.

Tulad na lang ng ganito: Pustahan kung anong round matatapos. Pustahan kung knockout o aabot ba ng 12 rounds. Pustahan kung sino ang unang makakasuntok. Pustahan kung sino ang unang magkakadugo sa mukha.

Pustahan kung matatapos ba sa Rounds 1-6 o Rounds 7-12. At marami pang iba.
* * *
Sa PBA naman, hinihintay na ng lahat ang Final Four.

Habang naghihintay ang Purefoods at Ginebra, nagtutunggali pa yung iba at excited na ang lahat sa kung sino ba ang aabot sa Round of Four.

Tiyak na matindi ang labanan ngayong malapit nang matapos ang conference.

By the way, tutuo ba, dalawang PBA coaches ang nanganganib na sa puwesto nila at malamang ay hindi na magtagal sa hinahawakan  nilang teams.

Oo nga po, mukhang papalitan na raw sila.

vuukle comment

BAYVIEW PLAZA HOTEL

CANSON BASKETBALL COACHING CLINIC

COACH NAT

COACH NAT CANSON

COACH YENG GUIAO

ERIK MORALES

FINAL FOUR

KUNG

PUSTAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with