^

PSN Palaro

EXPRESS YOURSELF!

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Kahit na ano pa ang kalabasan ng best-of-five quarterfinals series sa pagitan ng Talk N Text at Air21 ay maganda na rin ang kampanya ng Express sa San Mig Coffee PBA Fiesta Conference.

Biruin mong sila ang tumapos sa paghahari ng nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer!

Sa tutoo lang, nang maitabla ng Beermen ang best-of-three wild card series sa 1-all matapos ang kabayanihan ni Dorian Peña sa Game Two, marami ang nagsabing tapos na ang Express. Tiyak na mamamayani na ang San Miguel sa Game Three at ang Beer-men ang siyang makakaharap ng Phone Pals sa quarterfinals.

Katunayan, iyon nga rin ang nasa isip ni Air21 coach Dolreich "Bo" Perasol!

Aniya bago nagsimula ang Game Two, "We have to close out the series now. Kasi, kapag nakatabla ang San Miguel, mahirap na silang talunin sa Game Three."

Lulugo-lugong lumabas ang Express sa hardcourt nang mau-ngusan sila ng Beermen sa Game Two. Para bang pinagsakluban sila ng langit! Kasi nga’y may tsansa na silang mawalis ang serye pero nagmintis sa apat na free throws ang import na si Shawn Daniels sa huling minuto.

Sa Game Three ay nakalamang pa ang Beermen, 80-79 sa huling tatlo’t kalahating minuto at tila na patungo na sa tagumpay ang tropa ni coach Joseph Uichico.

Pero sinorpresa ng Express ang lahat sa pamamagitan ng su-nud-sunod na baskets hanggang sa tuluyang manalo sila at ma-eliminate ang Beermen.

Isang statement iyon na nanggaling sa Air21. Hindi na sila basta-bastang koponan. Hindi na sila kumukulapso sa dulo. Ubra nang mangarap silang makarating sa itaas.

Sa tutoo lang, kahit sino naman ang makakatapat ng Air 21, pala-ging ang Express ang magiging underdogs, e. Kulang sa paniniwala sa kanila ang mga sumusubaybay sa PBA. Iyon siguro ang nakaka-ganda sa kanilang kampanya. Wala kasi silang pressure!

Kung matalo sila, expected na ng tao iyon.

Kung mananalo sila, magugulat ang lahat ng PBA fans.

Ibang klase na rin ang nagawa ni Perasol sa tema na ito. Nabig-yan niya ng karakter ang Express at pinaniwala niya sa kanilang sarili at sa sistema ng koponan.

At sa dami ng mga offensive weapons ng Air21, nahihirapan na ring manghula ang kanilang kalaban. Hindi na lang kasi si Ren-ren Ritualo ang kanilang pinupuntahan. Sangrekwang manlalaro ang pwedeng panggalingan ng puntos.

Bukod dito’y masisipag ang players ng Air21 at walang ginawa kundi tumakbo, dumepensa ng nakakainis at hindi sumusuko hanggang sa dulo.

Kahit pa nakauna ang Talk N Text sa Air 21sa kanilang quarter-finals series, hindi nakatitiyak ang Phone Pals na magiging smooth sailing ang lahat para sa kanila. Kailangang kumayod sila nang husto dahil baka matuka din sila!

BEERMEN

DORIAN PE

FIESTA CONFERENCE

GAME THREE

GAME TWO

JOSEPH UICHICO

PHONE PALS

SAN MIGUEL

SILA

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with