"Were hoping to get at least a playoff for the second automatic semifinals berth," wika ni Baculi matapos ang 75-65 panalo ng kanyang Hapee-PCU sa Montaña Pawnshop noong Huwebes.
Ang nasabing tagumpay ang nag-angat sa record ng Teethmasters sa 6-4 sa ilalim ng Magnolia Wizards (7-3) at Rain or Shine Elasto Painters (7-3) para sa tsansang makahirit ng playoff.
Haharapin ng Hapee-PCU ang Totoya Otis-Letran (2-8) ngayong alas-4:00 matapos ang banggaan ng Granny Goose (5-5) at sibak nang Far Eastern (3-7) sa alas-2 sa eliminasyon ng PBL Heroes Cup sa San Andres Gym sa Malate, Manila.
Ang panalo ng Teethmasters, sumasakay sa isang two-game winning streak tampok ang 81-70 paggupo sa Wizards, ang magbibigay sa kanila ng isang playoff slot para sa ikalawang automatic semis seat.
Kung may three-way tie sa pagitan ng Magnolia, Rain or Shine at Hapee-PCU, ang tropang may pinakamataas na quotient ang kukuha ng unang automatic semis ticket at maglalaban sa playoff ang matitirang dalawa para sa ikalawang silya. (R.cadAyona)