^

PSN Palaro

Hapee-PCU hangad ang play-off ticket

-
Umaasa si head coach Junel Baculi na makukuha nila ang kanilang hangarin.

"We’re hoping to get at least a playoff for the second automatic semifinals berth," wika ni Baculi matapos ang 75-65 panalo ng kanyang Hapee-PCU sa Montaña Pawnshop noong Huwebes.

Ang nasabing tagumpay ang nag-angat sa record ng Teethmasters sa 6-4 sa ilalim ng Magnolia Wizards (7-3) at Rain or Shine Elasto Painters (7-3) para sa tsansang makahirit ng playoff.

Haharapin ng Hapee-PCU ang Totoya Otis-Letran (2-8) ngayong alas-4:00 matapos ang banggaan ng Granny Goose (5-5) at sibak nang Far Eastern (3-7) sa alas-2 sa eliminasyon ng PBL Heroes Cup sa San Andres Gym sa Malate, Manila.

Ang panalo ng Teethmasters, sumasakay sa isang two-game winning streak tampok ang 81-70 paggupo sa Wizards, ang magbibigay sa kanila ng isang playoff slot para sa ikalawang automatic semis seat.

Kung may three-way tie sa pagitan ng Magnolia, Rain or Shine at Hapee-PCU, ang tropang may pinakamataas na quotient ang kukuha ng unang automatic semis ticket at maglalaban sa playoff ang matitirang dalawa para sa ikalawang silya. (R.cadAyona)

vuukle comment

FAR EASTERN

GRANNY GOOSE

HAPEE

HEROES CUP

JUNEL BACULI

MAGNOLIA WIZARDS

SAN ANDRES GYM

SHINE ELASTO PAINTERS

TEETHMASTERS

TOTOYA OTIS-LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with