"Pacman is in the house! Its Pacman time!" sigaw ni Macka Folly, ang Amerikanong tumutulong sa pagpapatakbo ng sikat na Hollywood gym na pagmamay-ari ng trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach.
Dumating si Pacquiao sa punum-punong gym, ilang minuto makalipas ang tanghali kung saan naghihintay ang mga media men mula sa US at ilang galing ng Philippines ng halos isang oras na.
"Hello everybody," pagbati ni Pacquiao, na naka-No Fear get-up.
Pati ang mga boxers na naunang dumating kay Pacquiao, kabilang si WBC lightfly king Brian Villoria ay nag-cheer din nang dumating ang Pinoy boxing hero.
Ito ang unang public workout ni Pacquiao para sa kanyang Jan. 21 fight laban kay Erik Morales sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.
Nakuha naman ng mga dumating ang kanilang inaasahan nang magpakitang gilas si Pacquiao ng kanyang tikas at bilis sa tatlong round ng shadow-boxed at sinuntok ang punch mitts kasama si Roach ng apat na rounds.
Nag-skipping rope si Pacquiao ng 12 straight minutes at isinunod ang speed ball at double-end bag ng tig-10 minuto. Tinapos niya ang kanyang training ng 500 sit-ups.
Para palakasin ang kanyang muscles sa mid-section, gumagawa si Pacquiao ng 1,000 sit-ups kada-araw, 500 sa umaga at 500 sa hapon.
Pagkatapos ng workout, nagpa-interview si Pacquiao sa mediamen at pumirma ng autograph sa boxing gloves, pictures at fight posters ng kanyang mga fans.(Ni Abac Cordero)