Sinabi kahapon ni POC chairman Robert Aventajado na magaganap ang naturang presentasyon sa Enero 18.
"Next week we will already have a meeting where we will be presenting to the stakeholders the proposed Constitution and By-Laws of the new federation," ani Aventajado.
Ang pagbubuo sa itinutulak na Philippine Basketball Federation (PBF) ang siyang ganap na magbabasura sa sinibak na Basketball Association of the Philippines (BAP), dagdag ni Aventajado.
Kabilang sa mga stakeholders ay ang Philippine Basketball Association (PBA), Philippine Basketball League (PBL), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), National Collegiate Athletic Association (NCAA) at ang BEST.
Imbitado rin si BAP president Joey Lina, dagdag ni Aventajado, sa nasabing pulong base sa nakasaad sa nilagdaan nilang Memorandum of Understanding ng FIBA, ang international basketball federation.
Nagbigay ang FIBA sa POC ng deadline na hanggang Marso 31 ng 2006 upang buuin ang bagong basketball federation. Nakipag-usap na rin sa POC si PBA Commissioner Noli Eala para linawin ang estado ng PBF. (r.cadayona)