Rain or Shine diniskaril din ang Magnolia

Ipinagkait din ng Rain or Shine sa Magnolia Ice Cream ang inaasam na outright semis berth matapos hatakin ang 69-68 panalo sa 2006 PBL Heroes Cup na nagpatuloy sa San Anddres Gym sa Manila kahapon.

Matapos madiskaril kontra sa Hapee-PCU, 70-81 noong Linggo, muling nabigo ang Magnolia na makakuha ng semis slot matapos malasap ang ikatlong talo sa 10-laro na katabla na ngayon ng Elasto Painters at nangangailangan na lang ng isang panalo tulad ng Wizards para makakuha ng outright semis ticket.

Sa unang laro, nanalo naman ang Hapee PCU, 75-65 kontra sa Montaña Pawnshop para isulong ang kartada sa 6-4 at magkaroon ng tsansa sa semis slot.(CVO)

Show comments