Kabilang sa mga naimbitahan ay sina Frank Elizalde, ang International Olympic Committee representative to the Philippines, San Miguel Corporation boss Danding Cojuangco at Bacolod Congressman Monico Puentevella sa dalawang oras na seremonya sa pagbbibigay ng parangal sa mga achievers ng 2005.
Special guests si President Gloria Macapagal-Arroyo sa awards na siyang maggagawad ng Athlete of the Year trophy sa Southeast Asian Games overall champion na Team Philippines na kakatawanin ni diver Shiela Mae Perez, kasama sina Philippine Olympic Committee chief Jose Cojuangco at PSC Chair William Ramirez.
Ang masugid na tagasuporta ng sports na San Miguel Corp., sa pamamagitan ni Cojuangco, ay nagbigay ng P100 milyon sa First Gentleman Foundation para asistihan ang training ng 13 National Sports Associations na nag-ambag ng 56 sa 113-gold medal haul ng Team RP.
Dalawamput tatlong athletes ang kabilang sa major awardees at 17 athletes at entities ang tatanggap ng citations sa gabi ng parangal na sponsored ng Red Bull katulong ang PSC, SMC at Manila Mayor Lito Atienza na ipapalabas ng delayed basis sa NBN-4.
Ang iba pang gold medalists sa RP Team na sumabak sa SEA Games ay bibigyan din ng special citations ng pinakamatandang media group ng bansa na binubuo ng sportswriters mula sa national broadsheets at tabloids na pangungunahan ng Philippine Dragon Boat Federation as Most Outstanding National Sports Association.