GMA Special guest sa PSA Awards Night

Walang iba kundi ang No. 1 sports supporter ang magtsi-cheer at magbibigay ng para-ngal sa top achievers ng 2005 sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa January 14 sa Manila Pavilion.

Malugod na tinanggap ni President Macapagal-Arroyo ang last minute invitation bilang special guest sa simpleng two-hour rite na kikilala sa mga best at brightest sa local sports para maging matagumpay ang bansa sa nagdaang taon.

Ito ang ikalawang pagkaka-taong dadalo si GMA sa gabi ng parangal ng pinakama-tandang media organization ng bansa na binubuo ng mga sportswriters mula sa national broadsheets at tabloids sapul nang maging presidente ito noong 2001.

Makakasama ng Pangulo sina guest of honor at speaker na sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez sa paggawad ng Athlete of the Year trophy sa Team Philippines na nagsubi ng overall title sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games , kung saan ang diver na si Sheila Mae Perez ang tatanggap.

"The presence of no less than President Arroyo makes the affair a truly special night for our athletes," ani PSA president Jimmy Cantor ng Malaya.

Show comments