^

PSN Palaro

Sistema para sa NSAs plinaplano ng PSC

-
Isang estratehiya para sa mga National Sports Asso-ciations (NSAs) ang pinag-iisipan ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC).

Gagawing halimbawa ng PSC ang ipinapatupad ng Malaysia sa kanilang mga sports associations hinggil sa paglahok sa ilang international competitions, partikular na rito ang Southeast Asian Games, Asian Games at Olympic Games.

 Sinabi ni PSC Commissio-ner Richie Garcia na maaaring gayahin ng komisyon ang hindi pagbibigay ng Malaysia ng pondo sa kanilang mga sports associations sa pagsabak sa ilang international events.

 "In Malaysia, pupunta ang isang sport sa abroad, magko-compete. Pero walang funding ‘yon from their government," wika ni Garcia. "But when they come back na may medalya sila, may reimbursement na-man sila."

 Ito ang ginawa ng Malaysia sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games kung saan tanging ang mga sports asso-ciations lamang na nakapag-uwi ng gold, silver at bronze medal ang kanilang binayaran.

 "So bago ka umalis, bago ka mag-compete you better make sure na puwede kang lumaban for a medal. Hindi lang ito para sa exposure," wi-ka ng Commissioner na nag-sabing pinag-iisipan ngayon ng komisyon ang naturang estra-tehiya para sa mga NSAs. "If other countries are doing that maybe we can also look into it na puwede rin nating gawin dito." (Russell Cadayona)

ASIAN GAMES

COMMISSIO

IN MALAYSIA

NATIONAL SPORTS ASSO

OLYMPIC GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICHIE GARCIA

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with