Sa Internet check sa panahon sa Las Vegas para sa susunod na 10-araw, sinasabing ang daily forecast ay aabot hanggang sa four, three, two at one degrees cel-sius at ang pinakamataas ay hanggang 15 sa susu-nod na linggo.
Nasa Los Angeles pa si Pacquiao na malapit nang matapos sa kan-yang training sa ilalim ni Freddie Roach sa Wild-card Boxing Gym sa Hollywood sa Vine St. na pagmamay-ari ng Ameri-can trainer.
Plano ni Pacquiao na tumulak patungong Las Vegas sa Jan. 16, limang araw bago ang kanyang rematch kay Morales.
Ang 12-round, non-title fight ay nakatakda sa Thomas and Mack Center sa loob ng UNLV cam-pus.
Hindi pa tiyak kung mag-eeroplano si Pac-quiao o bibiyahe ng tatlo hanggang apat na oras sakay ng kotse na ginawa nito nang una niyang makaharap si Morales noong Marso.
Ayon sa Morales camp, plano ng Mexican three-time world cham-pion na dumating sa Vegas sa Jan. 19 sakay ng kanyang private jet.
Ano pa mang paraan ng pagbiyahe ang gaga-win ni Pacquiao, ang malamig na klima ang sasa-lubong sa kanya dahil sa araw ng kanyang dating, ang temperatura ay inaa-sahang malapit sa zero degrees sa Vegas, na nangangahulugang kaila-ngang magsuot ng winter clothes, o posibleng ang all-black, Matrix-like get-up na suot niya noong March, 2005.
Ngunit sinabi ni Pacquiao na handa siya para dito gayundin para kay Morales.