Ang Giants at ang Gin Kings ay dalawa sa pinakapopular na koponan hindi lang sa liga kundi sa buong bansa. Mahigit sa dalawang linggo silang hindi maglalaro at natural na ang mga fans nila ay maghihintay na lang ng semis bago tumungo sa mga playing venues. Malamang sa magtitipid ang mga fans nila at hindi muna panonoorin ang ibang laro sa "wild card phase" at quarterfinal round.
At syempre, hamon din ito sa ABC Channel 5 na siyang broadcast partner ng PBA.
Kasi nga, sa nakaraang survey kung saan ipinakitang tumaas ang television rating ng PBA, malinaw na ang may pinakamataas na viewership ay ang mga larong kinasasang-kutan ng Barangay Ginebra. Bukod sa Gin Kings, sinusu-baybayan din ng mga batang televiewers ang Purefoods dahil nga sa romansang James Yap at Kris Aquino.
Kung sabagay, tapos na naman ang classification round at lahat ng mga laro mula kahapon ay may malaking bearing. Umaatikabong bakbakan tiyak ang masasaksihan ng mga manonood ng PBA games dahil maikli lang ang wild card phase (best-of-three) at ang quarterfinals (best-of-five). Hindi pwedeng palamya-lamya ang mga teams dahil sa nakasalalay ang pagtatagal nila sa torneo sa mga seryeng ito.
So, panonoorin din naman tiyak ng mga fans ang PBA games. Medyo mababawasan nga lang pansamantala ang fan base dahil sa bakasyon nga ang dalawang pinakapopular na koponan ng liga.
Isa pay patuloy pa rin naman ang Gimme Five promo ng PBA kung saan P5 lang ang halaga ng ticket sa bleachers at upperbox sections so hindi talaga mabigat sa bulsa.
Kailangan lang talaga na makita ng mga fans na matindi ang laban sa wild card phase kung saan maghaharap ang Sta. Lucia Realty at Alaska Aces sa isang serye at ang Air21 at mananalo sa San Miguel-Coca-Cola knockout match sa isa pang serye.
Naghihintay din sa quarterfinals ang Red Bull Barako at Talk N Text na may malaki ring following.
Sa tutoo lang, pwede ring blessing in disguise ang pagka-kasungkit ng Gin Kings at Giants sa automatic semis berths.
Kasi nga, tiyak namang tatabo ang PBA pagdating ng semifinal round na best-of-seven affair. Tiyak ding tataas ang rating ng PBA sa television sa yugtong iyon.
Kumbagay kailangan lang na maitawid ng PBA ang susunod na dalawang linggo at tiyak na puputok na naman ang takilya. Kung mangyayari ito, siguradong mabe-break ng PBA ang mga records ng nakaraang taon.
Ngayon pa nga lang nga ay tila na-break na ng PBA ang record at ipinakita sa lahat na nagbalik ulit ang popularidad ng liga!