Taglay ang league-leading 7-1 win-loss re-cord, kumpiyansa ang Wizards na makuha ang semis ticket sa pakikipag-harap sa Teethmasters sa alas-4:00 ng hapon.
Sa ngayon, nakaka-siguro na ang Wizards ng playoff para sa ikalawa at huling outright semis berths habang kailangan naman ng Teethmasters ang tatlong natitirang laro upang makahirit ng awto-matikong semis slot na ipagkakaloob sa top-two-teams.
Sasagupain naman ng Harbour Centre ang Toyota Otis sa alas-2:00 ng hapon tangka ang kanilang ikatlong sunod na panalo.
Inaasahang muling sasandal si Magnolia coach Koy Banal sa kanyang solid frontcourt combination na sina Kelly Williams, Mark Isip at Arwind Santos bagamat batid niyang mapanganib ang run-and-gun game ng Hapee-PCU.
Sasandal din si Banal kina Kim Valenzuela, Jason Misolas at ang nag-iimprove na si Alex Angeles.
Aasa naman si Hapee coach Junel Baculi sa backcourt duo nina Jason Castro at Mark Retaga gayundin sa dating NCAA MVP na si Gabby Espinas sa paint.
Matapos ang nakaka-dismayang performance sa kaagahan ng torneo, lumabas na ang dating galing ng 6-foot-5 na si Espinas.
Kailangan namang manalo ng Toyota Otis sa Harbour Centre upang bigyang buhay ang kani-lang kampanya ngunit hangad namang maka-bawi ng Port Masters mula sa kabiguang nala-sap sa kanilang unang pagkikita.
Inaasahang mangu-nguna sa Port Masters sina Joseph Yeo, Robert Reyes, Jay Coching at LA Tenorio upang iangat ang 4-5 card matapos ang 74-70 panalo sa Granny Goose. (CVOchoa)