^

PSN Palaro

Hataw ang Channel 2 sa promo ng Pacquiao - Morales fight

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Maganda na raw ngayon ang San Andres Gym sa Manila.

Ito na ang magiging bahay muna ng PBL.

Matagal-tagal na rin namang walang permanent gym kaya nalilito ang mga fans.

Pero ngayon, meron na.

Magandang balita yan lalo’t papasok na sila sa semis.
* * *
Hindi sa RPN 9 ang coverage ng laban ni Manny Pacquiao kay Eric Morales.

Yan ay gaya ng nakagawian na natin. Instead sa ABS CBN siya mapapanood.

Yan ang dahilan kung bakit walang patid ang promo ng Channel 2 sa event na yan. Pero yan pa rin ay sa pakikipagtulungan ng Solar Sports.

Mas malaki ang offer ng Channel 2 kaysa sa Channel 9?
* * *
Maglulusuban sa Amerika ang mga taga-Channel 2 para sundan ang bawat aktibidades ni Manny roon prior to his crucial match.

Bawat galaw niya doon ay kukunan at ihahatid sa mga televiewers para updated nga naman kung paano natakbo ang training ni Pacquiao doon.

Kaya nga dapat na manalo si Manny sa laban na ito. Dahil kapag natalo siya....

Kayo na ang bahalang, magsunod ng linya dyan.
* * *
Sa linggo na ang final registration at deadline na para sa Nat Canson Coaching seminar. Due to limited slots, yung mga mauunang magpa-register ang siya lang tatanggapin sa clinic. Special guest ni Coach Nat sa kanyang January 15 seminar sina Coach Louie Alas at Coach Yeng Guiao na magsi-share ng insights nila sa coaching. Grabe ang inquiries na natanggap ng clinic na ito. Pagpapatunay lamang na marami ang interesadong mag-coach.

For inquiries on registration, tawag lang kay Tess Canson sa landline  6823980 o kaya sa cell no. 09184751476.

COACH LOUIE ALAS

COACH NAT

COACH YENG GUIAO

ERIC MORALES

NAT CANSON COACHING

PERO

SAN ANDRES GYM

SOLAR SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with