Panalo siniguro ni Morales
January 6, 2006 | 12:00am
Sinabi ni three-time world champion Erik El Terrible Morales, na kasalukuyang nasa maigting na pagsasanay sa kabundukan ng Mexico, na mas pukado at nanabik sa kanyang nalalapit na laban kay Manny Pacquiao sa Enero 21 sa Las Vegas, pero tinitiyak na muli niya itong mapagwawagian.
Masaya si Morales sa nagaganap na training niya para sa kapana-panabik na laban sa Thomas and Mack Center at idiniin na ang pagpapalakas sa ilalim ng bagong trainer na si Jose Luis Lopez Jr. ay isa sa may pinakamagandang training sa kanyang career.
"My (training) camp is one of the best Ive had," ani Morales sa pahayag nito sa Fightnews.com.
Si Morales, umiskor ng unanimous decision na panalo laban kay Pacquiao nang una silang magtagpo noong nakaraang taon ay nakikipag-ispar sa mga dating world champions na sina Freddie Norwood at Daniel Atah.
Sinabi naman ni Pacquiao na pokado rin siya at handang-handa sa kanyang rematch kay Morales ay sisiguruhing ibang istorya na ang mangyayari ngayon.
"I am 100 percent focused and I want to win this fight," ani Pacquiao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended