JB Jockey of the Year ng PSA
January 6, 2006 | 12:00am
Si Jonathan B. Hernandez ang nanalong PSA (Philippine Sportswriters Association) Jockey of the Year award, ng kanyang talunin ang dalawang iba pang malalaking pangalan sa isang mahigpitang botohan para sa prestihiyosong karangalan.
Napasama ang 26-anyos na si Hernandez, JB sa kanyang mga kaibigan at sa Bayang Karerista, sumikwat ng kanyang unang PSA award sa kanyang career na nagsimula noong 1998 sa mga pinagpipitagang listahan na tatanggap ng major awardees na pararangalan ng spportwriting fraternity sa Jan. 14 sa Manila Pavilion.
Nagrehistro si Hernandez, tubong Sta. Ana, Manila at ama ng isang bata ng pinakamalaking winning percentage at tumapos ng una sa maraming bilang ng stake races na kanyang naipanalo, habang tinalo nito sina Patricio Patti Dilema at Jesse B. Guce.
Produkto ng Philippine Jockeys Academy, nanalo si Hernandez ng 225 ulit sa kanyang 838 pagsakay para bumandera sa 26.8 average, kabuuang second best na P53,519,009.17 sa money winnings at nagtagumpay ng 15 stake races sa pagsakay nito sa pitong kabayo, kabilang ang Cover Girl (limang ulit) at Juggernaut (tatlong beses).
At sa kanyang 15 stake victories, kumopo si Hernandez ng P6,750,000, na mas maliit lang ng kaunti sa P7,106,000 ni Fernando M. Raquel, Jr.
At dahil dito, kasama ni Hernandez ang 22 iba pa sa listahan ng major wardees na pararangalan kasama ang iba pang achiever sa dalawang oras na seremonya na itinataguyod ng Red Bull na suportado ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission at si Manila Mayor Lito Atienza bilang mga suporter.
Mangunguna sa listahan ng mga tatanggap ng awards ang Team Philippines na tatanggap ng Athlete of the Year award dahil sa kanilang makasaysayang pagsikwat ng overall title sa nakarang 23rd Southeast Asian Games.
Labingpitong personalidad at entities ang kikilalanin rin ang kani-kanilang kontribusyon upang maging mabunga ang 2005 para sa local sports, habang ang iba pang nalalabing Pinoy gold medalists sa SEA Games ay tatanggap rin ng special citations mula sa 100-member ng 46-anyos na asosasyon.
Tampok na panauhin si Philippine Olympic Committee president Jose Peping Cojuangco, ang lalaki sa likod ng matagumpay na pagdaraos ng SEA Games sa seremonyang iho-host muli ng basketball player na sina Alex Compton at Patricia Bermudez-Hizon.
Ang top jockey award ang huling pinagdesisyon ng PSA Board.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am