Ang surviving team ang siyang uusad sa wild card phase para kalabanin ang Air21 sa best-of-three series. Para sa talunang team: maagang pagbabakasyon.
Taglay ng San Miguel ang twice-to-beat advantage dahil sa pag-okupa ng No. 8 slot bunga ng mas mataas na quotient matapos nilang tapusin ang classification round na katabla ang Tigers sa 6-10 record.
Ang isa pang best-of-three wild card match ay sa pagitan ng Alaska at Sta. Lucia na umokupa ng No. 6 at 7 position ayon sa pagkakasunod bunga ng kanilang magkatulad na 7-9 win-loss slate sa classification round.
Kailangang ipanalo ng Tigers ang laban ngayon upang maipuwersa ang Game-Two na gaganapin ngayong alas-4:15 ng hapon sa Astrodome din bago magsimula ang wild card phase bukas.
Nabigo ang Air21 na makakuha ng awtomatikong quarterfinal slot matapos matalo sa Talk N Text, 101-91 kamakalawa.
Kasama ng Phone Pals na naghihintay sa best-of-five quarterfinals ang Red Bull na natalo naman sa Barangay Ginebra , 102-109 kamakalawa rin.
Umusad ang Gin Kings sa semifinal round kung saan hihintayin na lamang nila ang makakalaban sa best-of-seven series kasama ang Purefoods na siyang unang semifinalists makaraang tapusin ang classification round na may pinakamatayog na 10-6 record.
Sa unang dalawang pagkikita ng dalawang koponang ito, nanalo ang Tigers noong October 12, na kasama pa noon si Alex Carcamo ngunit pinalitan na ngayon ni Omar Thomas na siyang aasahan ngayon ng Coca-Cola ngunit nakaganti ang Beermen noong December 9, 90-76 sa tulong ng kanilang import na si Kevin Freeman na pumalit naman kay Kwan Johnson na humalili sa naunang import ng San Miguel na si Rico Hill.(CVOchoa)