^

PSN Palaro

Malaking inaasahan sa pagbabalik ng PBL Heroes Cup

-
Asahan ang malaking crowd sa pagbabalik aksiyon ng 2006 PBL Heroes Cup.

Ngayong Sabado pagkatapos ng holiday break hindi lamang dahil krusyal ang mga laro kundi dahil gaganapin ang laro sa bagong venue na San Andres Gym.

Bukod sa accessible ito, ang pagdaraos ng laro sa sentro ng Maynila ay bahagi ng kampanya ng liga na abutin ang mga fans lalo na sa bahaging ito ng capital city na matagal nang nais makapanood ng maaaksiyong laro mula sa mahuhusay na amateur players sa bansa.

Malugod na tinanggap ni Manila Sports Council Chair Ali Atienza ang pagpili ng PBL sa San Andres Gym sa listahan ng venues ng liga.

"We’re honored to be part of the PBL community and we assure all officials, owners and players of our all-out support," ani Atienza. "Sports-loving Manileños are now excited to see the games and we hope that our budding players will be inspired further by watching PBL games."

"We’re glad that Mr. Atienza and the city government of Manila allowed us to use the facility of San Andres Gym, we hope we could bring good cheer to all Manileños," wika naman ni PBL Commissioner Chino Trinidad.

Sinabi ni Trinidad na posibleng magbalik ang crowd sa PBL sa San Andres Gym  tulad noong dekada 80 nang dagsa ang mga taong nanonood sa Rizal Memorial Coliseum na malapit lamang sa bagong venue.

"The old-timers from Singalong, Quirino, Malate and even those from Tondo, España and Sta. Ana are expected to be back in full force," ani Trinidad.

Bukod sa San Andres Gym, ang iba pang venues ng PBL ay ang JCSGO Gym sa Cubao, Far Eastern University, Letran at San Sebastian sa Cavite City.

vuukle comment

BUKOD

CAVITE CITY

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

FAR EASTERN UNIVERSITY

HEROES CUP

MANILA SPORTS COUNCIL CHAIR ALI ATIENZA

MANILE

MR. ATIENZA

SAN ANDRES GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with