Baguhang Pinay singer sa laban ni Pacquiao

Isang sumisikat na mang-aawit na Pinay ang inaasahang magiging sentro ng atraksiyon sa pag-akyat ni Filipino ring idol Manny Pacquiao sa ring ng Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada sa Enero 21 (Enero 22 sa Maynila).

Bago ang 12-round na pakikipagbangasan ni Pacquiao kay Mexican legend Erik Morales – papagitna muna si Jennifer Bautista upang siyang umawit ng Lupang Hinirang, ang pambansang awit ng Pilipinas.

Si Bautista ay baguhang recording artist ng Viva Records. Siya ay ilang beses na ring naatasang umawit ng Lupang Hinirang sa mga malalaking boxing events sa Pilipinas, katulad nang laban ni Rey "Boom Boom" Bautista, pati na rin nang gawaran ng parangal sina Pacquiao, Bautista at Brian Viloria.

Ang 22-anyos at apo ni Movie icon at dating senador Ramon Revilla Sr., ay nakapag-release na rin ng kanyang unang album na ang carrying single ay may pamagat na "Hello."

Kasama ang kanyang ina, si Jennifer ay lilipad patungong Amerika sa Enero 15.

Bago ang pag-awit sa laban ni Pacquiao, si Bautista ay makakasama muna ng beteranong singer na si Anthony Castelo sa isang singing engagement sa New York.

Show comments