Kinuha ng kampo ni Morales sina dating WBA featherweight champion Freddie Norwood at Daniel Attah na tubong Nigeria, para maka-ispar ng dating Mexican champion na nagsasa-nay sa Queretaro, Mexico.
Mahalaga ang labang ito para kay Morales dahil kagagaling nito sa di ina-asahang pagkatalo kay Zahir Raheem noong Setyembre.
Si Norwood na tubong US at edad 36 na ay huling lumaban at natalo kay Derrick Gainer noong 2000 sa pama-magitan ng knockout sa 11th round habang ang 30 anyos na si Attah ay nakapagtala ng unanimous decision win kay James Baker noong 2004.
Ang kanilang malawak na karanasan sa ring ay tiyak na makakatulong sa maigting na paghahanda ni Morales laban kay Pacquiao.
Ito ang ikalawang pagkakataon na magkikita ang dalawang mahuhusay na boksingero, ang una nga ay nangyari noong Marso 19, 2005 na kung saan umani ng unanimous decision na panalo si Morales.
Magkaganito man ay liyamado pa rin ni Pacquiao sa pustahan matapos mag-karoon ng 7-5 betting odds.
Ang laban ay itinakda sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas at gaya ni Morales ay sumuong din sa maagang pagsasanay si Pacquiao sa Wild Card Gym. Sa unang linggo pa lamang ng Disyembre ay sumailalim na sa training ang tubong General Santos City dating world cham-pion.
Makakaroon naman ng telecon-ference sa Wild Card gym si Pacquiao ngayong umaga.