Ito ang inihayag ni Philippine Lawn Tennis Association (PHILTA) president Manuel Misa matapos ang kanyang pakikipag-usap kina Mamiit at Taino, humataw ng gintong medalya sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games.
Babalik sa bansa sina Mamiit at Taino sa unang linggo ng Enero upang paghandaan ang kanilang pagsabak sa 2006 Australian Open kasabay nina local netters Johnny Arcilla, Patrick John Tierro at Kyle Dandan.
Lalahok sina Mamiit, gold medal winner sa mens singles ng 2005 SEA Games, at Taino sa nasabing torneo sa Enero 16-30 sa Australia.
Nakatuwang nina Mamiit at Taino sa paghablot sa gintong medalya sa mens team event ng 2005 SEA Games sina Arcilla at Tierro, ayon kay Misa.
Maliban kina Mamiit at Taino, sasali rin sa 2006 Australian Open si Fil-Am Denise Dy, tumatayong No. 93 sa junior ITF rankings, na nakapasok sa junior division.
Ang 17-anyos na si Dy ay bahagi ng womens squad na sumikwat ng tansong medalya sa 2005 SEA Games katulong sina Fil-Am Riza Zalameda at local netter Czarina Mae Arevalo.
Ang tatlong gold medal na nakuha ng Team Philippines sa naturang biennial meet ay katumbas ng naibulsa ng mga Pinoy noong 1991 Manila SEA Games. (R. Cadayona)