Cojuangco, guest speaker sa PSA Awards Night

Isa sa high-ranking officials na naging bahagi sa matagumpay na pagdaraos ng 23rd Southeast Asian Games ang tampok na panauhin at tagapagsalita sa pagbibigay ng parangal ng PSA (Philippine Sportswriters Association) sa mga sports achievers sa taong 2005 sa January 14 sa Manila Pavilion.

Sa ikalawang sunod na taon, magsisilbing main speaker si Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’; Cojuangco sa simple ngunit makulay na seremonya na mag-bibigay ng parangal sa lahat na nagbigay ng kani-kanilang bahagi upang maging matagumpay at di malilimutan ang nagdaang taon.

Pinangunahan din ni Cojuangco ng Philippine South-east Asian Games Organizing Committee (PHILSOC)--ang grupo na siyang humawak upang matagumpay na maidaos ng nakaraang SEA Games.

At sa kabila ng kakapusan ng pondo, naging matagum-pay pa rin ang PHILSOC sa pagtatanghal ng nasabing bien-nial meet na naghanay sa Team Philippines bilang bagong sports power sa rehiyon.

Nakopo ng Team Philippines ang overall title sa kauna-unahang pagkakataon mula ng sumali sa meet noong 1977 matapos na manalo ng 113 gintong medalya, na maituturing na makasaysayang achievement na naging madali upang ibigay sa kanila ang PSA Athlete of the Year Award.

Ayon kay Cantor, si Cojuangco rin ang aasiste sa diver na si Sheila Mae Perez at ilan pang atleta na tatanggap ng nasabing prestihiyosong tropeo sa award rites na hatid ng Red Bull at suportado ng San Miguel Corp., Philippine Sports Commission at ni Mayor Lito Atienza.

Dalawampu’t isang atleta, karamihan dito ay pawang multiple SEA Games gold medal winners ang tatanggap ng major awards mula sa pinakamatandang media group sa bansa na binubuo ng sportswriters mula sa national broad-sheets at tabloids.

Show comments