Israeli GM taob kay Paragua
December 31, 2005 | 12:00am
SINGAPORE Sa likod ng todo bigay na performance ng Pinoy woodpushers, hindi nila natupad ang kanilang misyon.
Naging magaan ang tagumpay ng top ranked player at co-champion Filipino noong nakaraang taon na si GM Mark Paragua laban kay Israeli GM Victor Mikhalevski matapos nitong iselyo ang panalo sa loob lamang ng 28 moves ng Queens Gambit Declined sa ninth at final round ngunit sapat lamang ito para sa fourth place finish sa katatapos lamang na 2005 Singapore Masters and Challengers International Open Chess Championships sa Hotel Royal sa Newton Road dito.
Dahil sa panalong ito, ang 21-gulang na si Paragua umiskor ito ng 6.5 points sa siyam na laro na katulad ng produksiyon ni world junior women champion GM Koneru Humpy ng India at IM Salor Sitanggang ng Indonesia.
Gayunpaman, pang-fourth lamang ang 2003 SEA Games Filipino most bemedalled athlete dahil sa superior quotient ng mga kalaban at nagkasya lamang ito sa US$1,000 na premyo matapos ang tiebreak.
Ang tanging konsuwelo ng mga Pinoy ay ang pagiging bagong International Master ni 2004 National Open champion NM Darwin Laylo matapos maka-draw sa kanyang kababayan at dating Asian junior champion na si GM Nelson Mariano II ng Quezon City sa 15 moves ng English Opening.
Umiskor si Laylo ng 5.0 points para makopo ang ikatlo at huling IM norm matapos ang kanyang panalo kontra kina 2005 Penang Open champion IM Stefan Loeffler ng Germany sa second round, ang top girl under-20 player na si GM Humpy sa third round at naka-draw kay GM Wu Shaobin ng Singapore sa fifth round.
Nakuha ng 25-gulang na si Laylo ang unang IM norm sa 1999 Asian junior chess championships sa Vietnam matapos pumangalawa sa eventual winner na si Super GM Krishnan Sasikiran ng India at ang kanyang ikalawang IM norm ay sa 2005 Asian Zonals sa Kuala Lumpur, Malaysia noong August.
Samantala, nakopo naman ni top seed Super Grandmaster Ni Hua (ELO 2603) ng China ang top purse na US$4,000 matapos umiskor ng 7.5 points nang kanyang igupo ang Singapore-based Filipino FIDE Master na si Julio Catalino Sadorra sa marathon 104 moves ng Slav Defense.
Nanalo sana si Sadorra para sa kanyang unang GM norm nang malamangan nito ang Chinese GM ng dalawang pawns sa rook and pawn endgame ngunit masyado siyang nagpilit sa panalo sanhi ng kanyang pagbagsak.
Gayunpaman, mayroon nang IM norm si Sadorra matapos masilat ang kababayang si GM Mariano sa eight at penultimate round noong Huwebes.
Tabla sa second at third sina top seed Super GM Zurab Azmaiparashvili (ELO 2658) ng Georgia at third seed GM Zhang Zhong (ELO 2598) ng China ma may 7.0 points para sa tig- US$2,500.
Samantala, naka-draw si GM candidate Jayson Gonzales kay Vietnamese Canh Huan Hoang para pamunuan ang malaking grupo ng 5.5 pointers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am