Pinoy chessers naglista agad ng panalo
December 27, 2005 | 12:00am
SINGAPORE Naglista ng malaking panalo ang Philippine delegation na suportado ni Surigao Del Sur representative Prospero Butch Pichay sa opening round ng 2005 Singapore Masters and Challengers International Open Chess Championships dito sa Hotel Royal.
Tinalo ng pambatong player ng bansa na si 4th seed GM Mark Paragua ang Vietnamese WIM na si No. 37 Nguyen Pham Le Thao sa loob ng 31 moves ng Queens Pawn Opening upang banderahan ang magandang panimula ng mga Pinoy.
Nanaig din sina dating Asian junior champion GM Nelson Mariano II laban sa kababayang si No. 44 National Master Edmundo Legaspi; 12th seed GM candidate Jayson Gonzales laban sa Vietnamese WIM No. 45 Dang Bich Ngoc; 16th seed IM Richard Bitoon kontra kay No.49 Ravindran Shanmugam ng India, 24th seed IM Luis Chiong IV laban kay No.57 Zheng Vyuan Ter Chua ng Singapore, 32nd seed IM candidate Oliver Dimakiling kontra kay No.65 Jordan Yap ng Singapore, Singapore-based 19-year-old No.30 FIDE Master Julio Catalino Sadorra kontra kay No.63 FM Daniel Ho ng Singapore at No. 27 seed NM Darwin Laylo laban kay Christer Aplin ng Singapore.
Ngunit ang pinakamalaking upset ay hatid ng 12 anyos FM na si Wesley So na namayani kay No. 10 WGM Zhao Xue ng China.
Sa challenger section naman, tinalo ni Dr. Jenny Mayor si Timothy Chan ng Singapore sa 25 moves ng Sicilian Defense, pinigil ni Dr. Alfredo Paez ng Cabuyao, Laguna si Mathew Ching ng Singapore, dinurog ni Leo Daylo Jr. si Melodies Sing ng Singapore, nanaig si Adarlo kay Ian Lee ng Singapore, ginapi ni Janette Arnuco si Linson Lim, nanalo si Ramon Manon-Og kay Weng Kin Chan ng Singapore, nalusutan ni Rodolfo Panopio si Paer Ching ng Singapore, at hiniya ni Rustum Tolentino si Jonathan Weng ng Singapore.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended